Home » Blog » IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO, K

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO, K


UHAW SA KAHULUGAN


Malapit na ang Pasko at narito na ang Simbang Gabi! Yung iba ay dadagsa sa simbahan para sa tradisyon, samantalang marami din ang magtatanong: ano ba talaga ang kahulugan ng lahat ng ito?  Ano ba ang dapat kong gawin pa? Paano ko mauunawaan ang kahulugan ng Pasko?
Ano ang dapat gawin? Tatlong bagay ang mainam!
Una: ituon ang puso kay Hesus!  Maraming tuksong naglalayo sa isip natin sa Panginoon sa panahong ito – dekorasyon at regalo, pamimili at mga piging. Habang nagsisimbang gabi tayo, hanapin ang mensahe ni Hesus para sa atin. Ang Pasko ay hindi lang isang tradisyon ito ay isang espiritwal na karanasan para sa atin. Manaig nawa ang Panginoong Hesus. Ituon ang puso sa kanya!
Ikalawa: ilaan ang puso sa sakripisyo. Sa simbang gabi, kailangang ang commitment. Maagang gigising. Pipiliting mabuo ang 9 na araw. Siyempre yung iba, 3 days pa lang, suko na! May sakripisyo ang paghahanda sa Panginoon dahil ito ay pangako ng pag-ibig. Ialay natin ang sakripisyo para sa ating mga pamilya, sa ating pagbabago, sa ating bayan at sa ating paglago sa kabanalan.   Ilaan ang puso sa sakripisyo.
Ikatlo: itutok ang puso sa pag-ibig. Bago ang Pasko, nais natin ay mga regalo. Pero paano kung tayo kaya ang maunang mag-regalo? Lalo na sa mga higit na nangangailangan sa paligid natin? Hindi mamahalin. Baka ngiti at pagbati sa isang kaaway. Baka oras at tiyaga para sa isang kapamilyang nalayo na sa atin?  Itutok ang puso sa pag-ibig.