SINO SI HESUS? part 1
–>
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
1. SINO ANG MGA NAGSULAT TUNGKOL SA PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS?
DALAWA LAMANG ANG NAGSULAT TUNGKOL DITO – SINA MATEO AT LUKAS, SA KANILANG EBANGHELYO O MABUTING BALITA
2. PAANO SINIMULAN ANG IBANG EBANGHELYO?
SI MARCOS AY NAGSIMULA SA BINYAG NI HESUS SA JORDAN. SI SAN JUAN NAMAN NAGSIMULA SA VERBO, O ANG SALITA NG DIYOS MULA PA SA PAGLIKHA NG DAIGDIG. PAREHO SILANG HINDI NAGING INTERESADO SA UGAT NG PAMILYA NI HESUS SA LUPA.
3. BAKIT NAGSULAT SINA MATEO AT LUKAS TUNGKOL SA PAGLILIHI, PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS?
UNA AY MAAARING PAGKA-INTERES LAMANG O CURIOSITY. SAAN NGA BA NAGMULA ITONG SI HESUS NA SINASABING ANAK NG DIYOS?
PERO HINDI SAPAT NA INTERESADO LAMANG SILA. DAPAT ANG KANILANG ISINULAT AY TUGMA SA “MABUTING BALITA” NA KANILANG PAHAYAG SA LAHAT. MAYROONG KAHULUGANG AT KAHALAGAHANG RELIHYOSO ANG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”.
MAY MGA PAGKAKAIBA ANG MGA KUWENTO NG DALAWANG MANUNULAT NG EBANGHELYO, PERO NAGKAKAISA SILA SA MENSAHENG DULOT NG PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS. (itutuloy)