SINO SI HESUS? part 4
–>
KILALANIN SI HESUS part 4
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
8.1.1. ANO ANG MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES) TUNGKOL SA PAGPAPAKILALA KUNG SINO TALAGA SI HESUS?
A. AYON KAY MATEO AT LUKAS, SI HESUS AY MULA SA ANGKAN NI DAVID SA PAMAMAGITAN NI SAN JOSE, NA KANYANG LEGAL NA AMA AYON SA BATAS NG MGA HUDYO (HINDI AMA SA LAMAN O PISIKAL), KAYA SI HESUS AY TUNAY NA ANAK NI DAVID.
KAPWA DIN SILANG NAGSASABI NA NAGLIHI ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA HINDI DAHIL SA PISIKAL NA UGNAYAN KAY SAN JOSE, KUNDI BUNGA NG MAPANGLIKHANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO. KAYA SI HESUS AY TUNAY NA ANAK NG DIYOS.
ANAK NI DAVID AT ANAK NG DIYOS – NAPAKAHALAGANG MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”.
B. AYON KAY MATEO AT LUKAS, ANG PAGBUBUNYAG NG KATAUHAN NI HESUS AY GALING SA ISANG ANGHEL, HINDI SA TAO.
IBIG SABIHIN, ITO AY PAGBUBUNYAG MULA SA DIYOS MISMO, HINDI KONKLUSYON O PAHAYAG LAMANG NG MGA TAONG NAKAPALIBOT AT NAKAKILALA SA KANYA.
K. ISA PANG PAGKAKAPAREHO NG KUWENTO NINA MATEO AT LUKAS AY ANG MABILIS NA PAGBABAHAGI NG KATAUHAN NI HESUS SA IBANG TAO.
KAY MATEO, IBINAHAGI ITO KAY SAN JOSE, AT PAGKATAPOS NAMAN SA MGA PANTAS MULA SA SILANGAN.
KAY LUKAS, KAY MARIA, AT PAGKATAPOS AY SA MGA PASTOL.
IBIG SABIHIN, HINI DAPAT ITAGO O SARILININ ANG PAGKAKATUKLAS NATIN KUNG SINO SI HESUS, ANG KANYANG TUNAY NA KATAUHAN, DAHIL MARAMING NAGHIHINTAY AT NANANABIK NA MAKATAGPO SIYA.
D. PAREHO DING ISINULAT NI MATEO AT LUKAS NA HINDI LAHAT NG TAO AY SABIK SA PAGDATING NI HESUS, HINDI LAHAT AY BUKAS UPANG TANGGAPIN ANG MABUTING BALITA.
ANG HARI, MGA PUNONG PARI, MGA ESKRIBA AY HINDI NATUWA (MT. 2: 2-6).
MAY BABALA NA MAGIGING TANDA ANG SANGGOL NG PAGBANGON AT PAGBAGSAK NG MARAMI SA ISRAEL, ISANG TANDANG SASALUNGATIN (LK. 2: 34-35).
ANG SABSABAN NI HESUS AY NASA ILALIM NG ANINO NG KRUS NG KALBARYO. ANG “MABUTING BALITA” AY MAGDADALA NG KALUNGKUTAN DAHIL HINDI LAHAT AY MANINIWALA SA MENSAHE NITO. (itutuloy)