ISANG PANANAMPALATAYANG HINDI MATITIBAG: SAN ANDRÈ BESSETTE
BROTHER ANDRÉ: KAIBIGAN, KAPATID, BANAL HIGIT PA SA PANGARAP… ISANG MALALIM NA KATOTOHANAN Si Brother André (bininyagan bilang Alfred Bessette) ay unang nakakita ng liwanag sa mundong ito noong Agosto 9, 1845, sa pamayanan ng Saint-Gregoire, Quebec, Canada. Ang kanyang kabataan ay tadtad ng sunud-sunod na mga pagsubok: 9 na taong gulang siya nang pumanaw ang kanyang ama, sumunod naman ang kanyang ina matapos ang tatlong taon bunga ng tuberculosis. Ipinamigay sa mga kamag-anak at kaibigan ang 10 magkakapatid na naiwan nila. Sa gulang na 12, sumabak sa buhay matanda si Alfred, napilitang mag-trabaho at matuto ng kabuhayan. Nagsimula ang mga taon ng kanyang paglalayag – walang ari-arian, walang pinag-aralan, at ni hindi alam kung paano sumulat ng pangalan o magbasa ng aklat-dasalan. Palipat-lipat sa iba’t-ibang lugar, ang masakitin na si Alfred ay laging matatag sa pananampalataya sa Diyos, naghahanap ng kapayapaan ng puso at nagpapayabong ng matibay na espirituwalidad. Ang kaugnayan niya sa Diyos ay lumakas at nagka-ugat. “Ang mga tao ay nag-alala na walang saysay. Sa oras ng pangangailangan, ang kaligtasan ay magmumula sa Diyos.” Dahil walang masyadong alam at madalas maloko sa trabaho, pumasok si Alfred sa konstraksyon, sa bukid, sa pagawaan ng lata at bakal, sa panaderya, sa gawaing sapatero, at kutsero bago tumungo sa USA, tulad ng libu-libong mga Canadian noong panahon na iyon, upang magtrabaho sa gawaan ng tela. Bumalik siya sa sariling bansa noong 1867. MULA MANGGAGAWA HANGGANG NOBISYADO Kumatok siya sa pintuan ng Congregation of Holy Cross sa Montreal noong 1870. Subalit dahil sa kahinaan ng katawan, nagduda ang mga nakatataas kung tatagal siya sa kongregasyon. Nang sa wakas ay tanggapin siya bilang miyembro, pinili niya ang pangalang Brother André at itinalaga sa pinakamababang posisyon bilang tagabantay sa pintuan ng kanilang paaralan, ang Collége Notre Dame. Hindi kailanman nawala ang kanyang pagiging masayahin. “Doon ako sa pintuan itinalaga ng aking mga superyor, at doon ako nanatili nang 40 taon.” TUNGKOL LAHAT SA PAGBATI Hindi naglaon, at tinanggap ni Brother André sa pintuan ang mga maysakit at mahihirap, na lagi niyang hinimok na magdasal kay San Jose, na matalik niyang kaibigan. Pinag-usapan ang mga kahilingang isa-isang naipagkaloob. Sa loob ng 25 taon, tinanggap ni Brother André ang kanyang mga panauhin araw-araw sa kanyang munting tanggapan o sa maliit na estasyon ng tram (bus) sa kabilang ibayo ng kolehiyo. Kinausap niya, pinakinggan at minsan binigyan ng payo ang mga tao. Ipinanatag niya ang kalooban nila sa pamamagitan ng panalangin kay San Jose. Ang mga maysakit ay binigyan ng Langis ni San Jose. Dumami ang mga kuwento ng mga gumaling na hindi maipaliwanag ng siyensya. Bukod sa pagtanggap sa mga tao sa kolehiyo sa itaas ng bundok, nagbahay-bahay din si Brother André sa mga maysakit sa lungsod at maging sa USA. Subalit hindi kailanman lumaki ang kanyang ulo. Taglay ang pagtitimpi at pagpupunyagi, ginabayan niya ang mga tao kay San Jose, na tunay na sisidlan ng Diyos. Nagdasal siya, at dumami ang gumaling. “Ang Diyos at si San Jose ang siyang nagpapagaling sa inyo, hindi ako. Ipagdarasal ko kayo kay San Jose.” Ang natatago niyang espirituwalidad ay unti-unting naging espirituwalidad na puno ng pagiging bukas at maawain sa kapwa. Tinanggap at pinagpugayan niya ang mga maysakit, mahihirap at may suliranin sa pag-asang ilalapit sila sa Diyos. Para sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, ibinahagi ni Brother André ang kanyang kagalakan at pag-asa. Likas na madamdamin, madalas makitang umiiyak siya dala ng karamdaman at suliranin ng mga panauhin niya. Matatag ang pagkatao ni Brother André, at hindi nababali ang kanyang mga prinsipyo o paninindigan. Sa kabila nito, mababakas sa kanyang mga mata ang isang banayad na kabaitan at pagiging likas na masayahin. Ang kanyang pagiging malapit at katulad ng kanyang mga pinaglilingkuran ang dahilan at napamahal at niyakap siya ng kanyang mga kaalinsabay at ng kanyang pamayanang relihyoso o kongregasyon. NAPAKALAKING SIMULAIN Sa mga panahong iyon, isang malaking proyekto ang nagsisimula na. Patuloy na lumalaki ang dami ng mga dumaragsang mga tao sa Oratorio (kapilya ni San Jose) ni Brother André. Ang unang kapilya o bisita na itinayo noong 1904 ay naging maliit na sa harap ng napakaraming panauhin buwan buwan. Pinalaki ang gusali noong 1908, at muli noong 1910, pero hindi naging sapat. Kinakailangan na ang isang malaking simbahan sa karangalan ni San Jose, na siyang takbuhan ni Brother André sa kanyang walang tigil na panalangin para sa kanyang misyon. 1917 nang isang malaking kripta (kapilya sa ilalim ng lupa) ang pinasinayaan. Magiging pundasyon lamang ito ng isang mas malaki pang proyekto. Ginugol ni Brother André ang kanyang buong buhay, kasama ang kanyang mga kaibigan, upang itaguyod ang pagtatayo ng Oratorio ni San Jose, na magiging pinakamalaking santuwaryo o dambanang nakatalaga sa pagpaparangal kay San Jose sa buong mundo. Sa kabila ng lahat, nanatiling mababang-loob si Brother André, kalimitang nagtatago pa nga sa koro ng simbahan upang makapagdasal mag-isa. Noong 1931, sa simula ng tinatawag na Great Depression (kahirapang pinansyal ng bansa), nahinto ang paggawa ng Oratorio. 1936 nang magpulong ang mga kinauukulan hinggil sa kinabukasan nito. Mahalaga ang panahon – tila masisira ng makapal na niyebe o snow ang bulwagang wala man lamang bubong. Tumayo si Brother André sa gitna ng pagpupulong at sinabi: “Hindi koi to gawain; gawain ito ni San Jose. Maglagay kayo ng rebulto ng santo sa gitna ng gusali. Kung nais niyang magka-bubong sa ibabaw ng kanyang ulo, gagawa siya ng paraan.” Nagkatotoo ang kanyang mga salita. Sa loob ng 2 buwan, nagkaroong muli ng pera para sa pagawain. MULA SA PUSO Masigasig si Brother André sa pakikipagtagpo sa mga naghahanap na makaharap siya. Dahil sa pag-ibig sa Diyos, inaruga niya ang mga maysakit, mahihirap at naghihirap. Sa katotohanan, nagbigay-saya sa kanya ang kanyang paglilibot para dumalaw sa mga ito, na may ilang mga taong tinawag siyang “matandang palaboy” na gusto lamang makisakay sa kotse ng iba! Sa lahat ng kanyang kabutihan, hindi siya nalihis sa kanyang sentro; laging humihiling ang mga tao ng pagpapagaling, pero bihira silang humingi ng kababaang-loob o pananampalataya. “Kung tutuusin, ito ang mga … Continue reading ISANG PANANAMPALATAYANG HINDI MATITIBAG: SAN ANDRÈ BESSETTE
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed