San Francisco de Sales 12: PALAYAIN MO ANG AKING PUSO

BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 12 Ang pusong malaya ay katambal ng pusong payapa. Ang pusong malaya ay hindi nakakapit sa kanyang sariling paraan ng paggawa ng mga bagay, hindi nagiging mainipin kung mangyari man ang hindi niya inaasahan. Ang malayang puso ay natutuwa sa mga kalugud-lugod na pakiramdam pero hindi nakasalalay sa mga ito, at sa abot ng makakaya, tatanggapin nito maging ang mga kaguluhan sa halip na kaluguran. Ang malayang puso ay hindi nakatali sa isang takdang oras, o isang paraan ng pagdarasal, na kapag hindi nasunod ay magiging sanhi ng iritasyon at pagkabahala. Ang malayang puso ay hindi nakatali sa kung ano ang lampas sa kanyang kakayahan. Ang pusong malaya ay nagdarasal sa Diyos na sambahin nawa ang Kanyang ngalan, na dumating nawa ang Kanyang kaharian, at na masunod nawa ang Kanyang kalooban sa langit man o sa lupa. Dahil kung ang pangalan ng Diyos ay sinasamba, kung Kaharian ay sumasaatin, at kung ang kalooban Niya ay nagaganap, ang malayang puso ay wala nang iba pang hinahangad. Sa buong maghapon: PALAYAIN MO ANG PUSO KO, PANGINOONG HESUS! (paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!) Share on FacebookTweet Total Views: 258