MAGTIWALA SA SARILI, HINDI SA SABI-SABI
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 22
Ang mabuting pangalan ay isang tanda na tumutukoy sa mabuting buhay, pero kahit mabuting tanda ay isa lamang tanda.
Kung masyadong sensitibo ka sa mabuti mong pangalan, para kang isang taong akala ay maysakit siya at laging umiinon ng gamot kahit anuman ang munting maramdaman.
Akala niya ay inaalagaan niya ang kanyang kalusugan pero iyon pala ay lalo niya itong sinisira.
Kung sobrang ninanais mong mahalin ka ng lahat baka sa huli matagpuan mong wala ka nang kaibigan.
Maaari kang maging sobrang sensitibo. Sino ba ang may gustong maging kasama ang isang taong sobrang sensitibo o matampuhin na nagiging nakakainis na.
Ang sumasailalim sa ganitong sobrang pag-aalala ay mas magandang dapat pagnilayan.
Ang matakot na mawala ang iyong magandang pangalan ay nangangahulugan na hindi mo inilalagay ang tiwala mo sa tunay na pundasyon – ang matatag na bato ng tunay na kabutihan ng puso.
Kung dahil sa mga gawaing espirituwal mo, tinatawag kang ipokrito ng ilan, huwag mo silang pansinin.
Kung madali kang magpatawad at tawagin ka nilang duwag, balewalain mo lang.
Ang panghuhusga nila ay walang halaga.
Maaaring sirain nila ang iyong mabuting pangalan sa kanilang tsismis at sitsit, sa kanilang mababaw na husga, subalit hindi nila kayang wasakin ang tunay mong pagkatao.
Sa maghapong ito:
MAGTIWALA KA SA IYONG SARILI, AT HUWAG SA KUNG ANO ANG SINASABI NG IBA TUNGKOL SA IYO.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)