BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 26 Sa larangang ng pagiging mapagpasenya, unahin mong gawin ito sa iyong sarili. Huwag mayamot sa sarili dahil marami kang mga pagkukulang. Madaling maunawaan kung nasisiphayo ka dahil sa iyong mga pagkakamali, pero hindi dapat ito magdulot ng pait o galit sa sarili. Malaking pagkakamali – dahil walang nararating – ang magalit dahil galit ka, ang uminit ng ulo dahil sa init ng ulo, ang masiphayo dahil disappointed ka. Huwag mong lokohin ang sarili mo. Hindi maitutuwid ang mali sa pamamagitan ng pag ulit mo dito. Ang galit ay hindi solusyon sa galit. Punlaan lang ito ng mas ibayong pang galit. At huwag mong isiping ang pagpaparusa sa sarili ay tanda ng kabutihan. Tanda ito ng maling pagmamahal sa sarili. E hindi ka naman perpekto di ba? Tingnan mo ang iyong mga pagkakamali sa tamang paraan. Tingnan mo ang sarili mo na malumanay, banayad, at tamang panghihinayang. Tahimik, matibay na pagsisisi ay mas epektibo kaysa madamdaming galit. Mas malalim ito at mas malayo ang nararating. Sa maghapong ito: HINDI SOLUSYON ANG GALIT. (paki-SHARE po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!) –> Share on FacebookTweet Total Views: 221
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed