BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 28 Tinatanggap tayo ng Diyos sa kanyang presensya palagi at kahit saan man. Hindi kailangang maghintay hanggang umaapaw sa salita ang puso o batbat ng pasakit ang kaluluwa bago tayo lumapit sa kanya. Sapat nang magtungo ka lang doon. Kahit wala kang sasabihin o walang masambit, okey lang iyon. Ang mahalagang dahilan sa paglapit sa presensya ng Panginoon ay ang pagkilala sa kanya at pag-aalay ng dangal na nararapat sa kanya. Hindi kailangan ang mga salita para dito. Kailangan lamang ay manatili doon, hayaang magsalita ang mismong presensya natin tungkol sa anumang pinakamalalim sa ating kaluluwa. Siya ang ating Diyos, at tayo’y mga nilalang niya. Ang kaluluwa natin ay yumuyuko sa harapan niya bilang parangal at papuri, naghihintay ng kanyang kalooban para sa atin. Isipin mo kung paano ang mga pulitiko at iba pa ay dumadalaw sa kanilang mga pinuno paulit-ulit, hindi upang magsalita, hindi upang makining, kundi upang makita lamang! Hindi tayo basta lingkod lamang, o tagasunod lamang. Tayo ay mga naghahanap sa Diyos, at lumalapit tayo sa kanya upang ipakilala ang ating pagmamahal at katapatan, ang ating galak na hindi masambit, sa tuwing tayo ay nasa harapan niya. Sa maghapong ito: MANATILI KA LAMANG SA HARAP NG PANGINOON. (paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!) Share on FacebookTweet Total Views: 203
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed