KAPANGYARIHAN NI SAN JOSE LABAN SA MGA DEMONYO

Bakit ang santong ito, na sobrang tahimik sa Bible, ang siyang tinatawagan natin laban sa pinakamakapangyarihang kaaway?  Halos matabunan na siya sa katanyagan ng kanyang asawa at Anak, at maging sa mga biruan ng mga Katoliko siya ang tampulan.  Halimbawa, dahil perpekto si Hesus, at si Maria naman ay lubhang pinagpala, sa tuwing may magaganap na palpak sa tahanan sa Nazaret, tiyak na si San Jose lamang ang dapat sisihin doon!  Ang tugon sa ating tanong ay makikita hindi sa mga salita o gawa ni San Jose, tulad ng pagpapalayas ng mga demonyo o paglaban sa mga masasamang espiritu, kundi sa kanyang buong buhay na banal at sa mga katangian niyang hitik sa kabanalan. Huwaran ng Kababaang-loob Hindi ba’t ang pagmamataas, ang pagmamayabang, ang “pride,” ang ugat ng lahat ng kasalanan?  Kung gayon, ang kababaang-loob naman ang ugat ng lahat ng mga kabutihan at kabanalan. Ang tahimik na si San Jose ay lubos na mapagpakumbaba.  Hindi niya itinuring ang pagbubuntis ni Maria bilang isang kalapastanganan na dapat gantihan ng masama, kundi pilit niyang pinagtakpan ito at tahimik na binalak na hiwalayan si Maria upang hindi mapahiya sa mga tao (Mt 1:19).  At nang dumalaw sa kanya ang Anghel ng Panginoon upang ipaliwanag ang naganap na misteryo ng Pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, siya ang unang tumalima sa Anghel na walang bahid pag-aalinlangan at anumang katanungan.  Si Zacarias, na isang pari sa Templo, ay maaalalang nagduda sa mensahe ng Anghel sa kanya, tanda ng pagmamataas nito na para bagang kailangan niyang maunawaan lahat ang katuwiran ng Diyos.  Subalit si San Jose, agad-agad sumunod, mula sa paggising niya kinaumagahan. Hindi niya alintana ang sasabihin ng mga tao, na tiyak na magaganap.  Hindi siya nabahala na hindi niya lubos na naunawaan ang lahat ng sinabi ng Anghel tungkol sa kalooban ng Diyos. Ang mahalaga ay susunod siya sa anumang hingin sa kanya. Ang kababaang-loob na ito ang pinakapuso ng mga dahiang kung bakit si San Jose ay itinuturing na “sindak ng mga demonyo o ng masasamang espiritu.” Nabuhay si San Jose sa kalinisan at tamang katuwiran. Dahil mababang loob, si San Jose ay malinis sa isip at puso. Alam niyang hindi maaari ang makamundong ugnayan sa kanyang kabiyak, at itinalaga niya sa puso na mahalin ito nang buong kalinisan at paggalang.  Naging masipag siya at puno ng tamang pagpapasya, habang tahimik na naghahanap-buhay bilang isang karpintero at maalagang ama.  Hindi siya nagmalaki na siya ang ama ng Mesiyas upang umani lamang ng papuri o paggalang ng iba. Walang kahangin-hangin sa ulo, at walang pagmamalabis dahil sa kanyang pagiging malapit sa Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ang kababaang-loob din ang nagligtas sa kanya sa tukso ni Satanas tungo sa huwad na pagpapakumbaba tulad ng pagmamaliit sa sarili, pagiging lubhang metikuloso at matinding paghahangad na maging perpekto.  Hindi niya naramdaman ang panghihina ng loob o pagkasiphayo dala ng hindi pagiging karapat-dapat maging ama ni Hesus sa lupa.  Pinigilan niya na maapektuhan sa gawain ng mga mumunting pagkabagabag, tulad ng ibang mabubuting Kristiyano ngayon.  Tinupad lamang ni San Jose kung ano ang dapat niyang gawin ayon sa kalooban ng Diyos. At iyan ang ayaw na ayaw ng demonyo. Tinuturuan tayo ni San Jose ng mga katotohanan tungkol sa pag-atake ng masasamang espiritu Marami ngayon ang mali ang akala sa pag-atake ng demonyo. Akala natin tila pelikula na may lilitaw, bangungot, bula ng bibig, umaangat sa kama habang nagdarasal nang Latin ang pari at may wisik pang holy water. Nangyayari nga ang mga ito pero bihira iyan.  Ang atake ng demonyo ay mas simple at hindi kapansin-pansin. Nagaganap ito araw-araw, sa bawat tao, sa mga patago at personal na paraan.  Ang huklubang manunukso ay bihasa sa libong taong pagsasanay niya ng kanyang panloloko sa ating mga tao, at alam  niyang hindi epektibo kung laging madrama ang kanyang paraan; higit na epektibo ang mga banayad na pagtira sa buhay ng tao.  Bakit niya pakikialaman ang iyong katawan kung kaya naman niyang makapasok sa iyong isip sa tulong ng kanyang mga pagtukso. Sasabihin ka ng demonyo na maging mapanuklam at galit sa kapwang nanakit sa iyo dahil iyon ang tama.  Sasabihin niyang kapag may nagkasala, dapat silang parusahan nang sukdulan.  Sasabihin niyang magmalaki ka dahil pinararangalan ka ng iba at magmataas ka dahil ispesyal ka at importante sa mundo.  Ibubulong niyang maging hindi malinis, lalo na kung wala ka namang tinatapakan,  sa iyong gawaing masturbation o panonood ng pornography.  Ibubulong niya na maging tamad ka sa trabaho dahil ganun din naman ang iba.  O kaya maging perpekto ka sa trabaho dahil kung hindi baka pag-usapan ka, kamuhian ka, o kaya ay masira ang lahat dahil hindi mo ginawa ang sukdulan mo.  Higit sa lahat, sasabihin niyang dapat lang na malaman mo ang lahat.    Ganyan ang ginawa niya sa mga unang magulang natin sa Paraiso noon na pinangakuan niya ng katalinuhan at kapangyarihan. Ang mga panlolokong ito ni Satanas ay naglalayon na sundan natin siya sa halip na ang Diyos.  Hindi gumana ang mga ito kay San Jose. Hindi nakabuwelo ang demonyo kay San Jose Balikan ang nasa itaas. Hindi ba nang tuksuhin si San Jose na maghiganti, pinili niyang maging maawain?  Nang tuksuhin siyang magyabang, mas ginusto niyang magpakumbaba.  Nang alayan siya ng pagpapasarap sa sarili, nagpasya siyang maging malinis sa pakikipag-ugnayan.  Nang tuksuhin siyang maging tamad, pinili niya ang tapang at lakas-loob.  Nang tuksuhin siyang maging perpekto, mas tinanggap niya ang tunay niyang pagkatao.  Nang ibuyo siyang malaman ang lahat ng plano ng Diyos, nanahimik siya at nagnilay sa buhay. Sobrang sindak tiyak ng demonyo tuwing tatanggi si San Jose na makabuwelo siya kahit konti sa buhay nito.  Lahat ng panlalansi ng demonyo, nilabanan ni San Jose sa abot ng kanyang makakaya. Kaya matutulungan niya tayo sa bagay na ito. Sa susunod na maramdaman mo ang mga tukso sa iyong buhay, “Ite ad Joseph!” Tumakbo patungo kay San Jose!  Pinagtiwalaan ng Diyos ang mababang loob na taong ito ng pangagalaga sa kanyang Anak na si Hesukristo at sa Mahal na Birheng Maria, at maaari din tayong magtiwala … Continue reading KAPANGYARIHAN NI SAN JOSE LABAN SA MGA DEMONYO