PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS KUNG WALANG MISA ( CELEBRATION OF THE WORD )
PANIMULANG AWIT (pumili ng pamilyar na awitin)
PAGBATI
NAMUMUNO (N): Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo
LAHAT (L): Amen.
Leader: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig ng Diyos Ama ay sumaatin nawa.
All: Purihin ang Diyos.
PAGSISISI
N:
Aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagtitipon nating ito para sa panalangin at pagninilay.
L:
Inaamin Ko Sa Makapangyarihang Diyos, At Sa Inyo Mga Kapatid Na Lubha Akong Nagkasala Sa Isip, Sa Salita, At Sa Gawa, At Sa Aking Pagkukulang. Kaya’t Isinasamo Ko Sa Mahal Na Birheng Maria, Sa Lahat Ng Mga Anghel At Mga Banal At Sa Inyo Mga Kapatid Na Ako Ay Ipanalangin Sa Panginoong Ating Diyos.
N:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Patawarin tayo sa ating mga kasalanan, At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
L: Amen.
LITURHIYA NG SALITA
Unang Pagbasa – Salmong Tugunan – Ikalawang Pagbasa – Mabuting Balita
(Mabuting gamitin ang mga pagbasang nakatakda sa araw na ito)
(pumili ng pagbasa ng isang pagninilay batay sa Salita ng Diyos)
Tahimik na Pagninilay
Pagbabahaginan ng mga miyembro ng pamilya ukol sa mga Pagbasa (kung nais)
L:
Sumasampalataya ako sa Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo, ipina-
nganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit. Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat. Doon magmumulang
paririto at huhukom sa nangabu-
buhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng na-
ngamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!
PANALANGING PANGKALAHATAN
N: Ipanalangin natin sa Diyos ang ating mga kahilingan.
Bawat miyembro ng pamilya ay magsasabi ng kani-kanilang kahilingan.
Pagkatapos ng bawat kahilingan, lahat ay tutugon: Panginoon, dinggin Mo kami.
Pag natapos na ang lahat ng kahilingan:
N:
Ama naming mapagkalinga,
dinggin mo po ang pagsusumamo
ng iyong bayan at lingapin kami ng
Iyong pag-ibig at kapayapaan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong
Anak mo, kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
ESPRITUWAL NA KOMUNYON
N:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
Ipahayag natin nang lakas-loob:
L: AMA NAMIN …
L:
Aking Hesus,
Naniniwala akong Ikaw ay nasa Kabanal-banalang Sakramento.
Minamahal Kita higit sa lahat ng bagay, at ninanais kong tanggapin ka sa aking kaluluwa
Bagamat hindi Kita matatanggap ngayon sa Sakramento,
Inaanyayahan Kitang pumasok sa aking puso.
Niyayakap Kita na narito na sa puso ko at iniu-ugnay ko ang aking sarili sa Iyo.
Huwag Mo nawa akong pahintulutang mawalay sa Iyo. Amen.
Panalangin/ Awit ng Pasasalamat:
SA ‘YO LAMANG
Puso ko’y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
Luho at karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo
Sa iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo
Sa ‘yo lamang ang…
Pangwakas na Panalangin
N: Manalangin tayo:
O Diyos, takbuhan namin sa pagsubok ng buhay,
Lakas sa karamdaman, aliw sa kalumbayan
Iligtas Mo po ang Iyong bayan, samo namin,
Upang kahit na kami ay batbat ng mga paghihirap,
Matagpuan naming sa Iyong awa ang aming lunas.
Sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan, Amen.
L: Amen.
PANGWAKAS:
Pagbabasbas ng Layko
N: Pagpalain nawa tayo ng Diyos, iligtas sa lahat ng masama at dalhin sa buhay na walang hanggan.
L: Amen.
Paghayo
N: Humayo tayo sa kapayapaan ni Kristo.
L: Salamat sa Diyos.
PANALANGIN KAUGNAY NG COVID19
Amang Makapangyarihan
Lumalapit kami sa Iyo sa aming pangangailangan
Ingatan Mo kami laban sa COVID-19 Virus
Na lumalaganap sa kasalukuyan at
Nagiging sanhi ng kamatayan.
Tulungan Mo ang mga nagsisipag-aral sa kalikasan
At pinagmumulan ng virus na ito at kung paano
Masusugpo ang paglaganap ng sakit na dulot nito.
Gabayan Mo ang mga kamay at isipan
Ng mga eksperto sa medisina
Nang mapaglingkuran nila
Na may puso at kakayahan
Ang mga may karamdaman,
At sa mga sangay ng pamahalaan
At mga pribadong ahensya na makatagpo
Ng lunas at solusyon sa salot na ito.
Isinasamo naming ang mga dinapuan ng sakit na ito
Ay mabalik sa kalusugan sa madaling panahon.
Kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat
At matulungan ang lahat ng nangangailangan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo,
Kasama ng Espiritu Santo, Magpasawalang hanggan.
Amen.
Birheng Maria, Takbuhan ng mga Kristiyano, Ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.
San Roque, Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.