LESSONS FROM ECCLESIOLOGY CLASS
Us — Ecclesiology Class
These are the words of Fr. Ramil Marcos in our Ecclesiology class:
===
Ecclesiology Class ba ika mo?
ito yung pag-aaral na may kinalaman sa ating simbahan. may kinalaman ito hindi lamang sa Papa sa Roma, ka-parian at ka-madrehan; kundi may kinalaman ito sa akin at sa iyo– dahil tayo ay pare-parehong bahagi ng simbahang katoliko. katoliko, ibig sabihin ay pangkalahatan, universal sa english.
ito yung iniyakan ko na subject kasi narinig ko sa klase ni Fr. Ramil yung mga paghihirap ng mga Katoliko sa ibang bansa para lamang manatiling Katoliko:
Ito yung ilan lamang sa mga sharing niya sa klase:
Babushka– ibig sabihin sa salitang Russian ay Lola. |
>In Russia, Christianity survived the Communist regime because of the Lolas—they are the grandmothers called Babushka in their native tounge. They secretly baptized their grandchildren amidst the communism which banned religion. At school, it’s so sad that the children were bombarded with atheistic teachings. So when night comes and no one’s watching, the babushka gather their grandchildren in the most secret room of their house to catechize them. Every Sunday, they visit the tomb of a dead priest to remember their Catholic Church. There, together, they secretly pray the rosary and utter in a whispering voice the reading from the Bible. There were no masses anymore during that time since priests were banished from Russia.. for those who resisted, they were killed. Kissing the stole of the dead priest was already a ‘mass’ for them. As they kissed the stole of a dead priest, they were all crying. They really long for them… they who have died because of faith… because of Christ.
>In Cambodia, Pol pot, at the height of his regime, dehumanized the Catholics. He killed the two bishops including all the priests and nuns. Instead of instantly destroying the Church, he forced the remaining Catholics to dismantle the church piece by piece… stone by stone. He ordered that each piece of stone must be thrown painstakingly into the nearby sea by the remaining Catholics with their own hands which almost ruin their soul. But they never lose hope… instead, the situation strengthens their faith.
===
Most of the time gusto ko nang sumuko sa bokasyon na ito, sabi ko kay God, “God, hindi naman ako ganoon katalino, ano bang magagawa ko para sa kaharian mo?” Pero kapag naalala ko ang mga kwento ni Fr. Ramil, nagkakaroon ako ng bagong pagkakakilatis sa aking sarili… nang bagong pagtingin sa ordinaryong buhay ko na napupuno ng pag-asa sa kabila ng laksang mga problemang dumarating sa akin at sa aking pamilya… ng patutunguhan sa kabila ng naghahatakang pag-oo at paghindi sa tawag ng Diyos… ng kalalagyan sa kabila ng aking kahinaan at pagiging makasalanan.
Unti-unti, nauunawaan ko, wala na sa aking mga kamay ang mga bagay na ito dahil pawang grasya na lamang ng Panginoon ang nakikita ko sa bawat saglit ng aking buhay. Grasya sa bawat kahirapan at kawalan, grasya sa bawat pagkakasakit at pag-aalala… grasya sa bawat pagdating at pagkawala. Lahat ay grasya… ang tanging pwede ko na lamang palang gawin ay sumuko. Buong loob na sumuko sa kamay ng Diyos upang mangyari ang kanyang kagustuhan sa akin. Sabi ko lagi sa Dyos, “kung hindi man ako matuloy sa pinatutunguhan ko… bigyan mo pa rin ako ng ibang paraan upang papurihan at dakilain kita kung saan makikita ko ay ikaw… gaano man ito kasaya o gaano man ito kalungkot.”
Mahaba pa ang biyahe patungo doon. Pero ang mga aral na natutunan ko sa propesor ko ay lagi kong babaunin. Maging magaling na kwentista rin sana ako. Alam ko hindi ako nakakatawa at alam ko rin, malimit ay nakakainis ako kasi nga introverted person ako. Iyon ang aking dadasalin, sana masaling ko rin ang inyong mga damdamin… pero hindi ko aariin iyon dahil sa bawat tula ng buhay na naisusulat ko, sa bawat kwento na naibabahagi ko, sa bawat himig at kanta na naisusulat ko… pawang ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo ang lagi kong inspirasyon… pawang ang mga nag-uumapaw na bunga ng inspirasyong na pawang mga biyayang inampon ko lamang ang naibabahagi ko rin sa inyo.
Ito marahil ang kabuuan ng ENGWENTRO… kung saan nasasaling ninyo ako… kung kailan nasasaling ako ng mga taong malapit sa akin… kung paano ako nasasaling ng Diyos… ang pagkasaling na nagpapaningas ng mga damdamin at pananampalataya natin bilang isang mananampalataya ng simbahang kinabibilangan natin. May tawanan at may iyakan. May panahong seryoso… merong panahon ng katahimikan lamang. Ito marahil yung pagdungaw natin sa bintana ng kalangitan ng Diyos na nangyayari sa ating mga ordinaryong buhay-buhay kung paano gumagalaw ang pagpapala sa atin ng Panginoon kung saan ang nangingibabaw lagi ay ang suyuan at ibigan sa pagitan natin at ng Diyos.
Lagi kong naaalala, bago tayo umibig… tayo muna ang unang inibig ng Diyos. Ika nga ni Fr. Ramil, paanong hindi malalaman ng Diyos ang ating mga pinagdaraanang paghihirap e bago tayo nasaktan, ang una munang nasaktan muna ay ang Diyos– Siya na unang nawalan minamahal nang ibinigay Niya ang pinakamamahal niyang Anak na si Kristo-Hesus upang tubusin tayo mula sa ating pagka-makasalanan ng sa gayon tayong lahat ay mailigtas ng kanyang nag-uumapaw na pagmahahal.
by Den Mar (from his Engkwentro)