SI ST. THERESE AT ANG KANYANG “KAPATID” NA VIETNAMESE
ANG LINGKOD NG DIYOS, BROTHER MARCEL VAN, C.Ss.R. (REDEMPTORIST): MUNTING KAPATID ESPIRITUWAL NI SANTA TERESITA DEL NIÑO HESUS. PAGSILANG AT BUHAY PAMILYA ISINILANG SI BROTHER MARCEL VAN NOONG MARSO, 15, 1928 SA ISANG MUNTING BARYO NG NORTH VIETNAM (TONKIN). PINANGALANAN SIYANG JOACHIM NGUYEN TAN VAN SA KANYANG BINYAG. MAY ISA SIYANG NAKATATANDANG KAPATID NA LALAKI, SI LE (O LIET, NA NABULAG) AT ISANG BUNSONG KAPATID NA BABAE, SI TE (ANNA-MARIE). SASTRE ANG KANYANG AMA AT MAYBAHAY NAMAN ANG INA NA MINSAN DING NAGSASAKA. DEBOTONG KATOLIKO ANG INA NIYA AT MABAIT AT MAPAGKAWANGGAWA SA KAPWA. HABANG LUMALAKI SI VAN NALULONG SA SUGAL AT PAG-INOM ANG KANYANG AMA. MABAIT AT MARAMDAMING BATA SI VAN AT PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAGKAMALUMANAY. BIHIRA SIYANG MAPALAYO SA KANYANG INA., BATA PA LAMANG SI VAN AY NAGPAMALAS NA ITO NG PAGIGING MAKA-DIYOS AT MADALAS GUMANAP NG MGA PRUSISYON SA KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHEN KASAMA ANG BUNSONG KAPATID NA SI TE, AT ILANG MGA PINSAN AT MGA KALARO. MASAYA SIYANG NAGDARASAL NG ROSARYO KASAMA NG INA. ANIM NA TAON SIYA NANG TUMANGGAP NG FIRST COMMUNION. MULA NOON, SINIKAP NIYANG MAGKOMUNYON ARAW-ARAW. HINDI NAGTAGAL AT KINUMPILAN NAMAN SIYA. DITO NABUO ANG ISANG PANGARAP: “NAIS KONG MAGING ISANG PARI UPANG DALHIN ANG MABUTING BALITA SA MGA HINDI-KRISTIYANO.” SUBALIT IBA ANG PLANO NG DIYOS. NANG MAG-ARAL SIYA SA GULANG NA PITO, ANG UNANG GURO NIYA AY NAPAKAHIGPIT AT LAGING PINAPALO ANG MGA BATA NG TUNGKOD. BUMAGSAK ANG KALUSUGAN NI VAN AT SIYA AY NANGAYAYAT. ANG PAGDURUSA NI VAN IPINAGKATIWALA NG INA SI VAN KAY FR. JOSEPH NHA, ANG KURA PAROKO NG HUU-BANG. MAY TAHANAN ANG PARI PARA SA MGA KABATAANG LALAKI NA MAS MALALIM NA NAG-AARAL NG KANILANG PANANAMPALATAYA (UPANG MAGING KATEKISTA SA KINABUKASAN), KASABAY ANG PAG-AARAL SA PAARALAN AT ANG PAGTULONG SA SIMBAHAN. ANG MAKAPAPASA AY MAAARING TANGGAPIN SA SEMINARYO MINOR, NA SIYANG PAKAY NI VAN. MAGANDA ANG SIMULA NG BAGONG BUHAY NA ITO HANGGANG ISA SA MGA GURO NA ANG PANGALAN AY VINH AY NASUMPUNGANG SAKTAN SI VAN. DINADALA NIYA ITO SA ISANG KUWARTO AT DOON HINAHAGUPIT NG TUNGKOD NA AYON SA GURO AY ISANG PAGSASANAY SA “MAS BANAL NA BUHAY.” PINAGBANTAAN SIYA SAKALING MAGSUSUMBONG SIYA. BUTI NA LAMANG AT NAPANSIN NG LABANDERA NG PARI NA DUGUAN ANG MGA DAMIT NI VAN. DINALA NG PARI ANG BATA SA DOKTOR AT PINAGBAWALAN SI VINH NA LUMAPIT KAY VAN. MINSAN GINAGAWA NI FR NHA NA HALIMBAWA SI VAN SA MGA KATEKISTANG NANLALAMIG SA KANILANG MISYON KAYA’T MAY MGA NAINGGIT SA KANYA. IPINAHIYA AT KINUTYA SIYA NG ILANG MGA KATEKISTA DAHIL SA KANYANG PAGTANGGAP NG KOMUNYON ARAW-ARAW. NAGDULOT ITO NG ISANG KRISIS ESPIRITUWAL KAY VAN. TANGING ANG DEBOSYON SA MAHAL NA BIRHEN AT ANG SANTO ROSARYO ANG NAGING TAKBUHAN NI VAN. GABI-GABI MATAPOS ANG ORAS NG PANALANGIN, TINUTUYA NG MGA KATEKISTA SI VAN AT HINAHAMPAS NG TUNGKOD O KAYA AY HINUHUBARAN NG DAMIT UPANG IPAHIYA ITO. MARAMING KATEKISTA ANG UMIINON NG ALAK AT NAG-AANYAYA NG MGA BABAE NA TUMUNGO SA KUMBENTO KAPAG WALA ANG PARI. TILA NAKALIMUTAN NA RIN NI FR NHA ANG KANYANG DATING PABORITONG SI VAN AT PINATIGIL ITO SA PAG-AARAL UPANG GAWING KATULONG SA SIMBAHAN. BUMAHA NAMAN SA BARYO NG PAMILYA NI VAN AT INANOD ANG KANILANG MGA ARI-ARIAN AT ANI. INUBOS NG KANYANG AMA ANG NATIRANG PERA SA SUGAL AT PAGLALASING KAYA ANG KANYANG INA AT MGA KAPATID AY NALUGMOK SA HIRAP. HINDI MAKAPAGPADALA NG DAMIT O SALAPI ANG KANYANG INA KAYA’T NAGHIRAP DIN SI VAN NA NGAYON AY ISA NANG ALIPIN. LUMAYAS SI VAN KASAMA ANG ILANG KATEKISTA SA PAG-ASANG MATATANGGAP SIYA SA SEMINARYO PERO NANG WALANG MATAGPUANG SEMINARYO O TRABAHO AY NAPILITAN DIN SIYANG BUMALIK SA TAHANAN NG DATI NIYANG MGA KASAMANG KATEKISTA. LALONG NAGING MASAHOL ANG KALAGAYAN DOON DAHIL SA ALAK, PAGMUMURA AT MGA MASASAMANG BABAE NA PUMUPUNTA DOON. MAS MATINDING PAGTATRABAHO ANG GINAWA NI VAN. AT KAHIT NANG MAG 12 TAONG GULANG NA SIYA, HINDI SIYA PINAUSAD SA PAG-AARAL AT LALO PANG PINAGTRABAHO. LUMAYAS UPANG UMUWI SA BAHAY SI VAN SUBALIT PINABALIK SIYA SA HUU-BANG DAHIL SA KANILANG PAGDARAHOP. MATAPOS ANG DALAWANG BUWAN LUMAYAS SIYA ULIT UPANG MAMALIMOS SA LANSANGAN. NAKALAHAD ANG MGA KAMAY SA MGA NAGDARAAN, NAGING BUTO’T BALAT SI VAN. PERO NAPANSIN NIYANG ANG BUHAY PALABOY AY HINDI GAANONG MABIGAT DAHIL NADAMA NIYA ANG KAPAYAPAAN AT GALAK NA MAGDUSA PARA SA DIYOS. SA KANYANG PAGTAKAS, NAKALAYO SIYA SA KASALANAN AT NAKAIWAS SA MAKASASAMA NG KALOOBAN NG PUSO NG DIYOS. MATINDING TUKSO SA PANAHONG ITO NARAMDAMAN NI VAN NA ISA SIYANG NAKASUSUKLAM NA NILALANG. TIYAK SIYANG DAHIL SA DEMONYO, NAISIP NIYANG MAGING ANG DIYOS AY HINDI SIYA MATATANGGAP. NAISIP NIYANG MALAPIT NA ANG WAKAS AT MAPUPUNTA SIYA SA IMPIYERNO. DAHIL ANG PANGINOONG HESUS AT MAHAL NA BIRHEN ANG KANYANG TANGING PAG-ASA, NAGBALIK ANG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN SA KANYANG PUSO DULOT NG PAGDARASAL NG ROSARYO. NANG MINSANG NAILABAS NIYA ANG SALOOBIN SA ISANG PARI, PINAYUHAN SIYA NITO NA: TANGGAPIN MONG MALUWAG SA LOOB ANG MGA PAGSUBOK AT IALAY ANG MGA ITO SA PANGINOON. KUNG IPINADALA NG DIYOS ANG KRUS SA IYO, TANDA ITO NA PINILI KA NIYA. PAGTAWAG MULA SA PANGINOON SALAMAT SA ISANG KAIBIGAN, NATANGGAP SI VAN SA SEMINARYO MINOR SA LANG-SON NOONG 1942. NAGSARA NAMAN ITO DAHIL SA KAKULANGAN NG PONDO AT NAKALIPAT SI VAN SA PAROKYA NI SANTA TERESITA DEL NIÑO HESUS SA QUANG-UYEN SA ILALIM NG DALAWANG PARING DOMINIKANO KUNG SAAN PATULOY SIYANG NAKAPAG-ARAL. TAIMTIM NIYANG NINAIS NA MAGING SANTO PERO NASINDAK SIYA SA MGA KAKAILANGANING SAKRIPISYO: “SA KABILA NG AKING PAGNANAIS NA MAGING BANAL, TIYAK AKONG HINDI KO ITO MAKAKAMTAN DAHIL UPANG MAGING SANTO, DAPAT MAG-AYUNO, MAGHAMPAS NG KATAWAN, MAGLAGAY NG BATO SA LEEG, MGA SINTURONG MAY TINIK, MAGASPANG AT MAKATING DAMIT, MAGTIYAGA NG GINAW, NG GALIS AT IBA PA… DIYOS KO, KUNG GANITO DAPAT, SUKO NA PO AKO… HINDI KO PI ITO KAKAYANIN.” ANG PAGPAPAKITA NI SANTA TERESITA – ANG AKLAT NA “KASAYSAYAN NG ISANG KALULUWA” ISANG ARAW, PUMIPILI SI VAN NG MGA AKLAT SA LAMESA TUNGKOL SA MGA BUHAY NG MGA SANTO. NAGDASAL SIYANG GABAYAN NG DIYOS SA PAGPILI AT NANGAKO NA ANUMANG MADAMPOT … Continue reading SI ST. THERESE AT ANG KANYANG “KAPATID” NA VIETNAMESE
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed