ANG POWER NG “ACT OF CONTRITION” O “ PANALANGIN NG PAGSISISI” (TAGALOG)
(image from the internet)
Kung tila imposibleng makapunta agad sa simbahan o makahanap ng pari para magkumpisal, maaaring kamtin ang kapatawaran ng kasalanan, pati kasalanang mortal, sa pamamagitan ng ganap na pagsisisi. Ang ganap na pagsisisi ay dalamhati para sa kasalanang nagawa at pagtitika na udyok ng pagmamahal ng Diyos (hindi laman ng takot sa kaparusahan). Kabilang dito ang pangako na magkukumpisal sa pari sa lalong madaling panahon, kapag posible na itong gawin (CCC 1451-1452). Ang ganap na pagsisisi ay kalagayan ng kaluluwa, subalit maaari din itong ipahayag sa pamamagitan ng mga salita ng panalangin ng pagsisisi (act of contrition) na ginagamit tuwing magkukumpisal
Mahalagang tandaan na bagamat mabuting gawi ang pagkukumpisal nang regular, tanging ang mga kasalanang mortal lamang ang hinihinging ikumpisal, dahil ito ang naglalayo sa atin sa buhay ng Diyos. Para maging mortal ang kasalanan, 3 ang kundisyon na dapat magsama-samang pumaloob dito: seryosong bagay, buong kaalaman ng pagkakamali, at buong pagsang-ayon sa mali (CCC 1857). Kung hind mortal ang kasalanan, hindi dapat matakot na hindi muna makapagkumpisal.
Mga makatutulong na panalangin ng pagsisisi (act of contrition); pumili lamang ng isang naaangkop sa iyo.
1.
O my God, because you are so good, I am very sorry that I have sinned against you, and with the help of your grace, I will try not to sin again. Amen.
O aking Diyos, dahil lubos kang mabuti, ako ay buong pusong nagsisisi sa aking nagawang kasalanan laban sa iyo, at sa tulong ng iyong biyaya, sisikapin kong hind na muling magkasala pa. Amen.
2.
O my God, I am heartily sorry for having offended thee, and I detest all my sins, because I dread the loss of heaven and the pains of hell, but most of all because they offend thee, my God, who art all good and deserving of all my love. I firmly resolve with the help of thy grace to confess my sins, to do penance, and to amend my life. Amen.
O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang tagubiling atas, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-buhay. Amen.
3.
I love thee, Jesus, my Love, above all things. I repent with my whole heart for having offended thee. Never permit me to separate myself from thee again. Grant that I may love thee always; and then do with me what thou wilt.
Minamahal kita, Hesus, aking Pag-ibig, higit sa lahat ng bagay. Nagsisisi ako nang buong puso dahil nasaktan kita. Huwag mong pabayaang malayo muli ako sa iyo. Ipagkaloob mo pong mahalin kita lagi; at gawin mo sa akin anumang iyong naisin. Amen.
4.
My God, I am sorry for my sins with all my heart. In choosing to do wrong and failing to do good, I have sinned against you whom I should love above all things. I firmly intend, with your help, to do penance, to sin no more, and to avoid whatever leads me to sin.
Diyos ko, buong puso po akong nagsisisi sa aking mga kasalanan. Sa pagpapasyang gumawa ng mali at sa pagkukulang na gumawa ng tama, nagkasala ako sa Iyo na siyang dapat kong mahalin higit sa lahat ng bagay. Nangangako ako, sa pamamagitan ng Iyong tulong, na magsa-sakripisyo, hindi na muling magkakasala, at iiwas sa anumang magdadala sa akin sa kasalanan. Amen.