Home » Blog » LITANYA NI SAN JOSE (LITANY OF ST. JOSEPH, TAGALOG)

LITANYA NI SAN JOSE (LITANY OF ST. JOSEPH, TAGALOG)

 

LITANYA NI SAN JOSE

 

 

Panginoon, kaawaan mo kami

Kristo, kaawaan mo kami

Panginoon, kaawaan mo kami

Kristo, pakinggan mo kami

Kristo, pakapakinggan mo kami

 

 

(itutugon: kaawaan mo kami)

Diyos Ama sa langit

Diyos Anak, Manunubos ng daigdig

Diyos Espiritu Santo

 

 

 

(itutugon: ipanalangin mo kami)

Santa Maria

San Jose

Pinagpalang anak ni David

Liwanag ng mga Patriarka

Kabiyak ng puso ng Ina ng Diyos

Malinis na tagapangalaga ng Mahal na Birheng Maria

Tagapag-alaga sa Anak ng Diyos

Tagapagtanggol kay Kristo

Pinuno ng Banal na Mag-anak

 

O San Jose, lubhang tapat

O San Jose, lubhang malinis ang puso

O San Jose, lubhang tama sa pagkilos

O San Jose, lubhang makapangyarihan

O San Jose, lubhang masunurin

O San Jose, lubhang matapat

 

Salamin ng Pagtitiyaga

Mapagmahal sa pagdaralita

Huwaran ng mga manggagawa

Ama ng tahanan

Tagapagtanggol ng mga birhen

Lakas ng pamilya

Tagapagpanatag ng nabibigatan

Pag-asa ng maysakit

Pintakasi ng mga namamatay

Sindak ng mga demonyo

Tagapangalaga ng simbahan

 

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, patawarin mo kami, O Panginoon

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, dinggin mo kami, O Panginoon

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

 

Manalangin tayo:

 Panginoong Hesus, sa pamamagitan ng mga kabutihan ng tapat na kabiyak sa pusong iyong mahal na Ina, tulungan mo kami, hiling naming, na anumang hindi naming makayanang kamtin sa sariling lakas, ay pagkalooban ng pananalangin ng lubhang banal na Patriarka, San Jose. Ikaw na naghahari kasama ng Diyos Ama, sa pagkakaisa ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

 


 Joseph of Nazareth with Child Jesus and a dove