LAUREANA FRANCO: “KA LURING” BANAL NA KATEKISTA

KATEKISTANG BANAL NG MAYNILA (photo from internet source. thanks much)   ANG SIMULA Isinilang sa bayan ng Taguig noong Hulyo 4, 1936 at bininyagan sa pangalang Laureana Franco, nang magka-edad ang babaeng ito ay nakilala sa palayaw na Ka Luring. Simple ang buhay na kinamulatan ni Ka Luring. Hindi rin siya masyadong nagbibigay ng kasaysayan ng kanyang pagkabata at buhay pamilya, maliban sa ilang matalik na kaibigan. Habang lumalaki, naging lubhang maka-Diyos si Ka Luring. Napabilang siya sa Legion of Mary kung saan nabuo ang kanyang matimyas na debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Dito rin niya unang napagtanto na mahalaga ang paglilingkod sa Diyos. Higit sa lahat, namulat ang kanyang mga mata sa malaking kakulangan ng pagtuturo ng Salita ng Diyos at mga aral ng simbahan sa mga batang nasa pam-publikong paaralan kung saan walang pag-aaral tungkol sa pananampalataya at sa mga bata sa mga mahihirap na pamayanan. Noon pa lamang ay alam na niyang nais niyang maging isang katekista. Pinahintulutan si Ka Luring na magturo sa mga bata tuwing Sabado. Tinuruan niya sila sa ilalim ng puno. At masiglang tumugon naman ang mga bata sa natural na kabutihan ng kanilang bagong katekista. Buong puso nilang tinanggap ang mga aral ni Ka Luring tungkol sa Diyos, sa Bibliya, sa simbahan, at sa mga santo. Dumating ang panahon noong 1969 na gumawa ng isang malaking desisyon si Ka Luring na iwanan ang isang maayos na hanapbuhay bilang “switchboard operator” at “accounting clerk” sa Philippine Air Force. Dahil ito sa hindi mapigilang pagnanasa niya na ilaan na ang buong buhay sa pagsunod sa Panginoong Hesukristo sa pagiging katekista. Ginamit niya ang nakuhang “separation pay” upang magsanay bilang “volunteer” na katekista sa Archdiocese of Manila, isang gawaing walang kalakip na bayad. Bagamat maraming napailing ng ulo sa kanyang ginawang hakbang na ito, naging napakasaya naman ni Ka Luring na matamo ang kanyang pinapangarap na buhay-paglilingkod sa mga bata at kabataang naghihintay ng Mabuting Balita ni Hesus. Isinabuhay niya ang kanyang misyon na ito hanggang sa kanyang kamatayan. KATEKISTA NG BAYAN Nagsimulang magturo si Ka Luring sa ilalim ng parokya ng Sta. Ana at pagkatapos sa parokya ng St. Michael sa Taguig. Nakatira si Ka Luring sa bahay kasama ang kanyang kapatid sa Hagonoy, Taguig kung saan naroon ang sentro ng parokya ng St. Michael. Napakaraming mga batches ng mga mag-aaral ang unang nakarinig ang mensahe ni Hesus mula sa klase ni Ka Luring. Naging bukambibig siya ng mga bata, ng kanilang mga magulang, ng mga guro sa pampublikong paaralan, ng mga pari, madre at mga seminaristang nakasalamuha niya. Dahil walang bayad ang kanyang paglilingkod bilang “volunteer,” madalas walang pera si Ka Luring. Umasa siya sa anumang iniaabot ng mga kamag-anak o kaibigan at ng mga taong diretso niyang nilalapitan sa oras ng pangangailangan. Sa galing niya bilang katekista, minsan na siyang tinukso sa pananampalataya, noong 1983. Dinalaw at hinimok siya ng mga misyonero ng Church of Latter Day Saints o Mormons upang sumapi sa kanila at maging tagapagturo nila, dahil nabalitaan nila ang kanyang kahanga-hangang dedikasyon at husay. May alok pa ang mga ito na $10,000.00 na malaki sanang tulong sa ina ni Ka Luring na noon ay malubha ang karamdaman. Nanindigan si Ka Luring sa kanyang pagiging Katoliko. Tinanggihan niya ang alok at hinarap ang mga sumunod na taon ng kanyang buhay bilang isang payak at  maralitang lingkod ng Diyos. Madaling araw, bandang alas-4 ng umaga kung maghanda si Ka Luring sa isang buong maghapon ng pagsisimba at pagdarasal, pagpasok sa paaralan upang magturo, at paggawa ng iba pang mga bagay na kaugnay sa pagiging katekista o kaya naman ay kaugnay ng pagtulong sa mga mahihirap na tao na kanyang nakikilala. Kung umuwi naman siya sa bahay ay para lamang matulog matapos ang araw na siksik ng iba’t-ibang gampanin.   PUSO PARA SA MGA DUKHA Kinalaunan, si Ka Luring ay hindi na lamang nagtuturo sa public school. Natutunan din niyang magturo ng mga bata sa squatter areas. Nakilala niya ang mga kabataang  may pangarap ngunit walang salaping pampa-aral. Dumalaw na rin siya sa mga matatanda at mga  maysakit na hindi makaalis ng tahanan dahil sa kahinaan at kahirapan. Halos madurog ang puso ni Ka Luring tuwing makakikita siya ng mga naghihirap na tao, hindi alintana ang katotohanan na siya mismo ay isa ring dukhang walang materyal na maibabahagi sa  mga ito. Hindi nahiya si Ka Luring na lumapit sa mga kaibigan niya at sa mga pari upang humingi ng tulong. Subalit lahat ng tulong na ito ay sumayad lamang sa kanyang mga kamay at dumaloy naman sa naghihintay na kamay ng mga maysakit, mga estudyanteng may pangangailangan, mga matatanda, mga napinsala ng sakuna o anumang pagsubok sa buhay. Samantala, kailanman ay hindi siya humingi ng anuman para sa sarili. Batid ng ilang mga tao na madalas siyang naglalakad lamang sa mga lansangan ng Maynila upang magturo ng katesismo o dumalaw sa nangangailangan dahil wala siyang ni pamasahe sa kanyang bulsa. GABAY AT GURO SA KABANALAN Dahil sa matagal niyang karanasan bilang katekista, si Ka Luring ay naging gabay sa mga bago pang katekista. Naging mabuti siyang halimbawa sa kanila sa larangan ng pagdarasal, pagtuturo, paglilingkod, pagmamahal sa mga dukha, at katapatan sa misyon ng simbahan. Maging mga seminaryo at kumbento ng mga madre ay sa kanya lumalapit upang turuan at alalayan ang mga kandidato sa pagpapari at pagmamadre sa kanilang mga unang karanasan bilang mga katekista. Dahil dito, kayraming mga pari at madre ang nakilala ni Ka Luring. Lahat sila ay humanga at naganyak sumunod sa kanyang ulirang mga yapak. Palaging may pangako si Ka Luring na ipagdarasal ang kanyang mga kaibigang madre, seminarista, at mga layko na alam niyang may pinagdadaanan sa buhay o nangangailangan ng tanging biyaya. Ang kanyang mga panalangin ay mahusay dahil kasama dito ang kanyang pag-aayuno, sakripisyo, rosaryo, at pagdarasal sa Blessed Sacrament para sa kanila. Laging dala at dinarasal ni Ka Luring ang kanyang rosaryo maging sa paglalakbay niya. Batid ng lahat ang paghanga ng noo’y tanyag at banal na Jaime Cardinal Sin, arsobispo … Continue reading LAUREANA FRANCO: “KA LURING” BANAL NA KATEKISTA