Home » Blog » 500 YEARS OF CHRISTIANITY: DIOCESE OF JARO, ANG HULING DIOCESE SA PANAHON NG KASTILA

500 YEARS OF CHRISTIANITY: DIOCESE OF JARO, ANG HULING DIOCESE SA PANAHON NG KASTILA

SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS



 

Si Bishop Romualdo Jimeno, bilang bishop ng Cebu, ang nagtagumpay sa kahilingan sa hari ng Espanya na hatiin ang napakalawak na diocese niya.

 

Natatag ang diocese ng Jaro noong noong 1865. Ang unang bishop ay si Bishop Mariano Cuartero.

 

Mabilis niyang naipagawa ang katedral, palasyo, seminaryo at naasikaso ang ang mga pangangailangan ng mga tao.

 

Ang mga Padres Paules o Vincentians ang naghawak ng paghuhubog sa seminaryo.

 

Sakop ng Jaro noon ang buong Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Negros Oriental at Occidental, Palawan, Zamboanga, at mga lugar ng Davao.

 

Sa panahon ng mga Kastila, apat lamang ang diocese sa buong Pilipinas: Maynila, Cebu, Nueva Segovia at Caceres. Bago matapos ang panahon ng Kastila, nadagdag ang diocese ng Jaro.