Home » Blog » 500 YEARS OF CHRISTIANITY: MAYNILA – ANG UNANG DIOCESE SA PILIPINAS

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MAYNILA – ANG UNANG DIOCESE SA PILIPINAS

SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS



 

Ang mga pinaka-unang dumating na misyonero sa Pilipinas ay ang mga paring Agustino.

 

Nasundan sila ng mga Pransiskano.

 

Noong 1575, humiling ang mga Kastila sa Pilipinas na gawing unang Obispo sa Pilipinas si Fr. Diego de Herrera na isang mabuting misyonero. Masigasig siya sa pagtuligsa sa mga pagmamalabis ng mga Kastila at pati ng mga datu ng mga katutubo.

 

Hindi pumayag ang hari sa panukalang ito. Namatay si Herrera noong 1576.

 

Noong 1578 humiling muli ng unang Obispo para sa Pilipinas sa katauhan ni Fr Domingo de Salazar, isang Dominikano.

 

Pumayag ang hari ng Espanya at na-appoint si Salazar ng Santo Papa noong 1579 bilang unang Obispo sa Pilipinas.

 

Humiwalay ang Pilipinas sa Simbahan ng Mexico at naging bagong Diyosesis. Ang Patrona ng Diyosesis ay ang Concepcion de Maria.

 

Matapos ma-ordenan bilang Obispo naglayag si Bishop Salazar mula Sevilla, Spain patungong Mexico. Mula Mexico naman naglakbay siya patungong Maynila.

 

Dumaong ang barko sa Ibalon Bay sa Sorsogon at land travel naman papuntang Maynila.

 

Matapos ang 16 buwan mula Sevilla at 2 buwan ng paglalakbay mula Sorsogon, nakarating din si Bishop Salazar sa Manynila noong September 17, 1581.

 

Pinili niya ang Maynila na sentro ng bagong diyosesis na ang sakop ay ang buong Pilipinas.

 

Wala siyang inabutang maayos na katedral kaya nagpasimula pa lang siya ng pagpapagawa nito.

 

Ang huling simbahan ay natupok ng apoy at pinalitan ng kawayan at nipa.

 

Nagpatawag siya ng “synod” o pagpupulong para malaman ang pangangailangan ng mga tao.

 

Bunga ng synod ang layunin na: proteksyon ng mga misyonero, proteksyon ng mga bagong kasaping Kristiyano, at ang karapatang labanan ang mga lider na salungat sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

 

Sa katunayan, ayon sa mga misyonero, ang mga katutubo ay hindi labag sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Galit sila sa mga awtoridad na Kastila sa pagpapataw ng buwis sa kanila; hindi sa pananampalataya.

 

 salamat sa Archdiocese of Manila: A Pilgrimage in Time (2000)