Home » Blog » 500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA PARI NA SUNDALO – LABAN SA MGA PIRATA

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA PARI NA SUNDALO – LABAN SA MGA PIRATA

 

SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS

 

Maraming mga misyonero na naging magigiting na tagapagtanggol ng mga Pilipino laban sa mga pirata, na noon ay karaniwang mula sa Mindanao at mga mananampalatayang Muslim.

 

Nariyan si Padre Agustin de San Pedro, paring Agustino, na nakilala bilang PADRE CAPITAN na nakipagtunggali kay Sultan Kudarat. Nadestino sa Butuan kung saan unang nagtayo doon ng fort o moog. Nagtipon ng mga tao upang salakayin ang Lanao subalit hindi naging matagumpay. Gayunpaman, matapang na ipinagtanggol ng pari ang kanyang mga nasasakupan laban sa mga Moro na kumukuha ng mga bihag upang gawing alipin o ipagbili bilang alipin sa ibang lugar, tulad ng Jolo, Borneo o maging sa Maynila.

image from the internet

 

Nariyan din ang Heswita na si Padre Francisco Ducos na magiting sa pagtatanggol sa mga tao sa panahon ng lider na si Sultan Ali Muddin ng Jolo. Iniligtas niya ang Iligan na halos 2 buwang sinalakay ng mga Moro.

 

Kabilang sa magigiting na misyonero si Padre Julian Bermejo, isang Agustino din. Naging tanyag siya bilang tagapagtanggol sa Cebu ng mga pamayanan doon na ginugulo ng mga pirata mula sa Mindanao. Tinawag din siyang El Padre Capitan ng Boljoon, Cebu.

image from the internet