500 YEARS OF CHRISTIANITY: PAGDATING NGA MGA PARING HESWITA (JESUITS)
ANG MGA HESWITA O JESUITS SA
PILIPINAS: ANG PAGDATING
Kasabay ng unang Obispo sa Pilipinas, dumating ang mga unang Jesuits sa bansa noong 1581. Ang superior nila ay si Padre Antonio Sedeño na unang superior sa Florida, unang superior sa Mexico at unang superior ng mga Heswita sa Pilipinas.
Nagtayo sila ng simbahan sa Intramuros malapit sa Puerta Real.
Nangaral sila sa Taytay, Antipolo, Iloilo, Samar, Leyte, at Bohol, gayundin sa Cebu.
Sa Maynila, itinatag nila ang Santa Cruz, San Miguel, at Quiapo. Sa Cavite naman, ang Silang, Maragondon at Cavite Viejo.
Masipag nilang nilapitan ang mga katutubo upang mangaral ng Mabuting Balita.
Nagsimula sila sa Mindanao noong 1635. Nagdusa sila sa mga pagsalakay ng mga Moro sa mga pamayanan nila sa Mindanao.
Pinalayas ang mga Jesuits sa Pilipinas noong 1768 at ang mga misyon nila ay napasakamay ng ibang mga orden ng mga pari.
Malaking kawalan ang pagpapatalsik sa kanila, lalo na sa larangan ng edukasyon at misyon. Ang itinayo nilang University of San Ignacio ay naglaho kasama nila.
Sa kanilang pagbabalik, masipag nilang ipinagpatuloy ang kanilang misyon.
salamat sa Archdiocese of Manila: A Pilgrimage in Time (2000)