MGA PAGSUSUMAMO KAY SAN JOSE

  MGA PAGSUSUMAMO KAY SAN JOSE (KAUGNAY NG KANYANG BUHAY  KASAMA SI HESUS AT MARIA)       San Jose, ipagkaloob mong pumasok si Hesus aking puso at pabanalin ako   San Jose, ipagkaloob mong pumasok si Hesus sa aking puso at punuin ako ng pagmamahal   San Jose, ipagkaloob mong gabayan at patatagin ni Hesus ang aking kalooban   San Jose, ipagkaloob mong gabayan at dalisayin ni Hesus ang aking isip   San Jose, ipagkaloob mong gabayan at akayin ni Hesus ang aking mga naisin   San Jose, ipagkaloob mong masdan  at basbasan ni Hesus ang aking mga gawain   San Jose, ipagkaloob mong pag-alabin ni Hesus ang pag-ibig ko sa Kanya   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na matularan ko ang iyong kabutihan   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang espiritu ng kababaang-loob   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang kaamuan ng puso   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang kapayapaan ng kaluluwa   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang banal na pagkatakot sa Panginoon   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang pagnanais sa kabanalan   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang banayad na pag-uugali   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang dalisay at mapagkawang-gawang puso   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang banal na pagtanggap sa pagdurusa   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang karunungang bunga ng pananampalataya   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang biyaya ng pagpupunyagi sa mabubuting gawain   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang lakas sa pagpapasan ng aking krus sa buhay   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang paglayo sa mga materyal na bagay sa mundong ito   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang biyaya na laging tahakin ang makitid na landas patungo sa langit   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang biyaya na umiwas sa mga magdadala sa akin sa tukso   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang banal na pagnanasa sa kaligayahan ng langit   San Jose, kamtin mo mula kay Hesus na taglayin ko ang ang biyaya ng pagpupunyagi hanggang sa dulo ng buhay   San Jose, huwag mo akong iiwan   San Jose, ipagkaloob mong huwag tumigil ang aking puso sa pagmamahal sa iyo at ang aking mga labi pagpupuri sa iyo   San Jose, alang-alang sa pag-ibig mo kay Hesus, ipagkaloob mong matutunan ko Siyang higit na mahalin   San Jose, magiliw mo akong tanggapin bilang tapat mong lingkod   San Jose, ako ay sa iyo; tanggapin mo ang aking samo at dinggin ang aking mga dalangin   San Jose, huwag mo akong iiwan sa sandali ng aking kamatayan   Hesus, Maria at Jose, sa inyo alay ko ang puso ko at kaluluwa   (magdasal ng 3 Luwalhati)     Share on FacebookTweet Total Views: 268