PANALANGIN KAY SAN JOSE PARA MAKAHANAP NG TRABAHO

Mahal kong San Jose, minsan mong naranasan ang pananagutan na itaguyod si Hesus at Maria sa kanilang mga pangangailangan sa buhay. Masdan mo nang may habag akong ngayon ay puno ng agam-agam sa aking kawalan ng kakayahang itaguyod ang aking pamilya.   Tulungan mo po akong makatagpo ng maayos na trabaho sa lalong madaling panahon, upang ang mabigat na pasaning ito ay maibsan sa aking puso at agad kong maidulot ang kailangan ng mga taong ipinagkatiwala sa aking pangangalaga.   Tulungan mo po akong huwag masadlak sa kabiguan at kapaitan, upang malampasan ko ang pagsubok na ito nang may matibay na pananampalataya at mas higit na pagpapala mula sa Panginoong Diyos. Amen.   paki-share sa iba, lalo na sa naghahanap ng trabaho at masumpungan ang mapaghimalang kapangyarihan ni San Jose!     Share on FacebookTweet Total Views: 417