ANG DAAN NG KRUS SA PANAHON NG CORONA VIRUS
PAMBUNGAD Luwalhatiin natin sa Krus si Hesus. Iniligtas niya tayo’t pinalaya Sa pamamagitan niya natagpuan ang kaligtasan, Buhay at pagkabuhay. PAGHAHANDA Ihanda ang sarili sa panalangin. Ilagay ang sarili sa harapan ng Diyos na handang sumama sa kanyang Anak sa daan ng Kanyang hirap, kamatayan at kaluwalhatian. Ialay sa kanya ang anumang tila nakababagabag sa iyo na maaring makasagabal sa iyong pananalangin upang higit itong maging makahulugan sa iyo. Ihingi ng tawad and anumang pagkukulang o pagkakasalang maalaala sa sandaling ito. Katahimikan PANALANGIN Panginoon, kakaiba ang Kuwaresmang ito. Gaganapin namin ang karaniwang mga pagdiriwang halos lahat sa loob ng aming tahanan. Panonoorin namin ang mga pagdiriwang sa simbahan mula sa aming mga telebisyon at computer. Mangungulila kami sa mga nakaugaliang makulay at makabuluhang ritwal, prusisyon, pabasa at Visita Iglesia. Lahat ng ito ay dahil sa bumabalot na takot sa buong mundo ngayon dulot ng corona virus. Natigil man ang ikot ng dating mundo, patuloy naman ang paglago ng pananampalataya at pananalig sa Iyo. May limitasyon man ang pagpasok sa mga simbahan, bukas naman ang daluyan ng biyaya mula sa Iyong mapagpalang mga kamay. Itulot mo pong ipagdasal namin ang mga lubos na naapektuhan ng virus magpahanggang ngayon – ang mga nagkakasakit pa, ang mga hinihinalang maysakit, ang mga magigiting na frontliners sa ospital, pamilihan at lansangan, at ang mga yumao na dahil sa sakit na dulot ng virus. Naway matuto kaming magmahal tulad ni Hesus sa aming kapwa tao at sa lahat ng nilalang mo sa daigdig na ito. Sa pamamagitan ni Kristo, kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen. UNANG ISTASYON: Hinatulan si Hesus ng kamatayan L: Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan B: Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Pagbasa: Mk 15:1-5, 15 Katahimikan Pagninilay Binihag ka Panginoon, at hinatulan ng kamatayan. Hindi ito makatarungan subalit isinagawa pa rin nila – kahit ikaw ay walang sala. Libu-libo sa ating mundo ngayon ang tila bihag na hindi alam ang kanilang kahihinatnan: mga tao sa barko, hotel, lungsod, kapitbahayan, mga lumikas sa kampong militar, mga taong nakakulong sa bahay at nakabukod sa kapwa. Mga inosenteng biktima din sila: biktima ng isang karamdaman na hindi nakikita, nalalasahan o nadarama. Ipinagdarasal po naming ang mga nasa piitan at kulungan, nasa himpilan ng immigration, at iyong mga naghahanap-buhay doon upang mapangalagaan ang kalusugan ng lahat. Ipinagdarasal po namin sila. Maranasan nawa nila ang iyong presensya. Bantayan mo po sila. Espiritu Santo, gawaran mo po sila ng kapayapaan. Katahimikan Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati… IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus L: Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan B: Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Pagbasa: Jn 19:6, 15-17 Katahimikan Pagninilay Panginoon, binigyan ka ng krus, mabigat na pasanin na puno ng pahirap, kamatayan at pagdurusa ng buong sangkatauhan. Ang pagkakalayo ng aming buhay sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ay isang pabigat na napakahirap pasanin. Ito po bang pagkakalayo, kamatayan at karamdaman na nararanasan sa mundo ngayon mula virus na ito ay bahagi ng krus na iyong dinala? Kumapit nawa kami sa iyong pagmamahal at sa iyong pagbubuhat ng krus upang makalampas sa mga pagkakataong ito nang hindi mawaring kinabukasan. Bantayan mo po kami. Espiritu Santo, ipakita mo po sa amin kung paano tanggapin ang krus ng pandemyang ito at umusad mula dito. Katahimikan Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati… IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon L: Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan B: Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Pagbasa: Is 53: 4-7 Katahimikan Pagninilay Panginoon, nadapa ka sa bigat ng krus na iyong pinasan at sa sakit ng mga sugat na iyong tinamo. Ang daan ay hindi madaling lakarin, at ang lahat ng ito ang nagpadapa sa iyo sa lupa. Ang coronavirus ay hindi inaasahan at nagdulot sa aming mundo, bansa, at pamayanan na mapaluhod sa pakikipaglaban sa di nakikitang sakit na iba’t-iba din sa bawat tao. Isa-isang bumabagsak ang mga bansa… subalit kung paanong hindi ka sumuko, hindi rin susuko ang sangkatauhan na iyong nilikha. Bantayan mo po kami. Espiritu Santo, sa tulong mo, ang mundo nawa ay bigyang karunungan na makatayong matibay laban sa karamdaman. Katahimikan Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati… IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina L: Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan B: Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Pagbasa: Lk 2: 25-40 Katahimikan Pagninilay Panginoon, mahal ka ng iyong Ina at mahal mo din siya. Ang makitang kang napakahina at pagud na pagod ay napakahirap para sa kanya. Nawa ang mga pamilya sa mundo, sa aming bansa, sa aming pamayanan ay magtipon at magkaisa at magtulungan sa panahong ito ng pagsubok. Nawa ang panahong ito ng pagsasama sa tahanan ay maging pagpapala upang lalong magkakilala ang bawat isa at magmalasakit para sa isa’t-isa nang may pagmamahal na lubos. Bantayan mo po kami. Espiritu Santo, pagbuklurin mo po kami at tulungang maging panatag ang bawat isa. Katahimikan Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati… IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus L: Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan B: Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Pagbasa: Mk 15: 16-21 Katahimikan Pagninilay Mabigat ang krus at bumabagal ang mga hakbang mo, Panginoon. Inutusan nila si Simon na tulungan ka. At pakumbaba mong tinanggap ang kanyang tulong. Alam naming sa panahong ito ng pandemya bawat bansa ay nagsasaliksik at nagsisikap labanan ang virus, pagalingin mo nawa po ang mga mamamayan at makatagpo ng lunas o gamot na makatutulong. Ipinapanalangin namin ang mga nasa World Health Organization, mga sentro ng pagsugpo ng karamdaman, ang mga nahalal na opisyal, upang gumawa ng mabuting pasya para sa kapakanan ng lahat at gamitin nang tama ang pondo ng bayan. Nawa ang mga opisyal ng pamahalaan at mga grupong medikal sa lahat ng bansa ng daigdig ay umayon at maging handang ibahagi ang mga karunungan sa isa’t-isa upang, sama-sama, sa gabay ng Espiritu Santo, matutunan natin kung … Continue reading ANG DAAN NG KRUS SA PANAHON NG CORONA VIRUS
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed