BANAL NA ORAS/ VIRTUAL VISITA IGLESIA PARA SA PAGHILOM NG MUNDO SA COVID-19: HUWEBES SANTO
MAPANGHILOM NA PUSO NI HESUS A. PAMBUNGAD NA AWIT AT PAGTATANGHAL NG KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO Habang itinatanghal ng pari ang Kabanal-banalang Sakramento sa altar, luluhod ang tanan at aawit ng tradisyunal na imno, “O Salutaris Hostia” o ibang awit pangsamba na kaugnay ng tema ng buwan. *Gabay: P= Pari; N = Namumuno; T = Tagabasa; B = Bayan O Salutaris Hostia O salutaris Hostia, Quae caeli pandis ostium: Bella premunt hostilia, Da robur, fer auxilium. Uni trinoque Domino Sit sempiterna gloria, Qui vitam sine termino Nobis donet in patria. Amen. (o kaya sa Tagalog) O Ostya ng Kaligtasan (sa saliw ng O Salutaris Hostia) O Ostya ng kaligtasan Pinto ka ng langit na bayan Tulong mo laban sa kaaway, Mangyaring sa ami’y ibigay. Puri sa Diyos na Maykapal, Sa tatlong Personang marangal, Poon nawa’y aming makamtan Ang langit na masayang bayan. Amen. P o N: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo B: Amen. 1. Pambungad (nakaluhod ang lahat): P o T: Sa kanyang buhay at paglilingkod sa mga tao, ibinunyag ng ating Panginoong Hesukristo ang Kaharian at gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, kabilang dito ang mga pagpapagaling sa maysakit na nagningas ng apoy ng pananalig, nagpahina ng alon ng alinlangan, at nagpamalas ng tunay na puso ng Diyos. Ngayon, kailangan ng daigdig ang pagpapagaling o paghilom dahil maging mga bansa o mga indibidwal na tao ay tadtad ng mga sugat ng kasalanan, karamdaman at kasakiman. Habang nagtitipon tayo, alalahanin natin ang mga lugar sa mundong ito at lalo na sa ating bansa kung saan ang sugat ng karahasan, pagpatay, at pagpapabaya sa tao ay sumisigaw para sa pansin, kapatawaran, at paghilom ng Diyos. Sa natatanging paraan, ipanalangin natin ang mapanghilom na kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng pinarurusahan ng sakit ng katawan at kaluluwa. Nananalig tayong pagagalingin tayo ng Diyos dahil ang kanyang pag-ibig ang nag-uudyok sa kanyang hipuin tayo kung saan tayo pinakamahina at pinaka-nangangailangan ng tulong. Patuloy na nagpapagaling ngayon ang Diyos ng Bibliya na humilom noon at nagbigay ng pag-asa. Nanghihilom si Hesus sa isang dahilan lamang – mahal na mahal niya tayo! Ito ang nagpapalakas ng loob natin na lumapit sa kanya na may pananampalataya at pagtitiwala. Sa Banal na Oras na ito, tunghayan natin si Hesus, ang ating Tagahilom at Dakilang Manggagamot. Ang kanyang Mapanghilom na Puso ay na-uumapaw sa mapayapang katiyakan na ang naghahanap sa kanya ay makasusumpong ng kagalingan sa kanilang mga karamdaman (Is 53:5), kalusugan at pagpapago (Mk 3: 5-6), at ibayong lakas para muling maglingkod (Lk. 4:39). 2. Papuri at Pasasalamat (nakaluhod ang lahat) P: Halina’t magpuri sa Diyos na Tagahilom natin at hingin sa kanyang iunat ang kanyang mga kamay upang pagalingin ang wasak nating daigdig, sugatang katawan, at mahinang espiritu. Ang ating tugon ay: Panginoong Diyos, sambitin mo ang Salita at kami’y gagaling. Ama, nilikha mo ang mundong ito upang tamasahin ang kabuuan ng buhay at upang lahat ay makakilala sa iyong taos-pusong pagbibigay ng buhay, kahulugan, at pakay. Sambahin at luwalhatiin ka nawa bilang Amang naghihilom ng iyong mga anak… Hesus, Dakilang Manggagamot, nadurog ang puso mo sa harap ng mga naghihirap sa katawan, isip at kaluluwa at niyakap mo ang mga hilahil ng tao upang ipadama ang iyong pagmamahal. Purihin at sambahin ka nawa bilang Salitang nagdadala ang pagpapagaling sa lahat… Espiritu Santo, na tinawag ni Hesus bilang Daliri ng Diyos (Lk 11:20), ang kapangyarihan mo ay namalas sa pagbangon ng mga nalugmok at sa pagbubuong muli na ng nawasak. Luwalhatiin at ipagdangal ka nawa sa iyong gawaing pagpapalakas at pagbuhay sa aming kaluluwa… 3. Panalangin para maranasan ang paghilom (nakatayo ang lahat) P:Manalangin tayo para sa kaloob na pagpapagaling sa ating sarili, sa ating mga minamahal, at sa lahat ng mga umaasa sa mapaghimalang pakikitungo at makapangyarihang kilog ng Diyos sa kanyang bayan. Diyos ng kabutihan at awa, ipinasya mong ang daigdig ay maging kaaaya-aya at angkop para sa lahat, isang daigdig kung saan namamayani ang ligaya at kapanatagan ng buhay. Dahil sa aming mga kasalanan sa mahabang panahon, umagos ang kapangyarihang nag-uudlot ng paglago, naninira ng buhay, at nag-aakay sa kamatayan. Napakaraming mga tao ngayon ang nagdurusa dahil sa nasirang pagkatiwasay ng kanilang buhay. Kaugnay ng dalangin namin ngayon ang mga nasa banig ng karamdaman sa mga pagamutan, klinika at tahanan. Inaalala namin ang mga walang pangtustos sa kanilang paggaling at walang pambili ng kanilang gamot. Itinataas namin sa iyo ang mga itinakda nang walang pag-asang gumaling pa. masdan mo ang kanilang mga luha at ang kanilang takot at pagka-inip sa matagal na paghihintay. Narito kaming taglay ang aming mga pagdaing bunga ng mga katawang bugbog sa kapaguran at kabigatan, sa kahirapan sa paghahanap-buhay, sa katandaan at kapabayaan. Habang pinagagaling mo kami lalo naming nadarama ang konkreto mong pag-ibig sa amin. Ang paghilom mo ang siyang patunay ng iyong kapangyarihan, at lalot higit ng iyong habag. Akayin nawa kami ng iyong Anak at dalhin sa tunay na buhay. buhayin nawa ng Espiritu mo ang aming pag-asa at turuan kaming magtiwala sa iyo sa bawat sandali. Sa Banal na Oras na ito, ang Mapanghilom na Puso ni Hesus ang magbibigay ng kahulugan sa aming mga dusa, maggaganyak sa aming tuklasin ang iyong mukha sa gitna ng pagsubok, at magsasalita sa amin ng Salitang nagpapalayas ng lahat ng karamdaman ng kaluluwa at katawan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong Anak Mo, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. B: Amen. (sandaling katahimikan upang sumamba) B. PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS 1. Panalangin ng mga Salmo (nakaupo ang lahat) P o N: Halinang ialay sa Panginoon ang mga papuri at pagsamo mula sa mga Salmo. (Maaaring dasalin ang mga Salmo nang marahan upang magnilay. Maaari itong basahin nang sabay ng lahat o sagutan ng mga nakaupo sa magkabilang dako ng pagtitipon – kanan, kaliwa – na may dalawang tagapamuno. Bagamat tatlong Salmo ang mungkahi, ang pasyang gamitin ang isa o dalawa lamang ay na sa kamay ng mga naghanda ng pagdiriwang.) Salmo 34 Papupurihan … Continue reading BANAL NA ORAS/ VIRTUAL VISITA IGLESIA PARA SA PAGHILOM NG MUNDO SA COVID-19: HUWEBES SANTO
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed