RECOLLECTION SA TAHANAN: GABAY PAGNINILAY SA HOLY WEEK

  ANG HARDIN NG GETSEMANE:  MGA HAMON NITO SA ATIN   (tnx, fr tam nguyen) Para sa mga pamilyar sa panalangin ng Santo Rosaryo, may isang misteryo ng Rosaryo (doon sa misteryo ng mga Hapis o sorrowful mysteries) na tinatawag nating Agony in the Garden o sa Tagalog ay “Ang pananalangin ni Hesus sa Halamanan ng Getsemane. Nakabase ito sa Bibliya (Luke 22, Matt. 26, Mk. 14).   Kung babasahin natin ang Mark 14: 32-41, ganito ang nakasulat:   Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako’y nananalangin.” At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y labis na nalulungkot at ako’y halos mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.” Lumayo siya nang kaunti, at pagkatapos ay nagpatirapa upang manalangin na kung maaari’y huwag nang sumapit sa kanya ang oras ng paghihirap. Nanalangin siya, “Ama ko, Ama ko! Magagawa mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na ito, ngunit hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.” Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.” Muling lumayo si Jesus upang manalangin at inulit niya ang kanyang kahilingan. Nagbalik siyang muli sa kanyang mga alagad, at sila’y naratnan niyang natutulog dahil sila’y antok na antok. At hindi nila malaman kung ano ang kanilang isasagot sa kanya. Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at namamahinga? Tama na, sapagkat dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao’y ibigay sa kamay ng mga makasalanan. Bumangon kayo! Narito na ang magkakanulo sa akin.”   Makikita natin dito na bagamat ang kinapalolooban ng salaysay ay ang pananalangin ni Hesus sa Getsemani ay ang kanyang pagdarasal doon sa Ama, ang tunay na karanasan niya doon ay hindi payapang panalangin kundi isang malubhang paghihirap ng loob, kaya nga agony, paghihirap. Tila mas eksakto ang titulo nito sa Ingles, Agony in the Garden, kaysa yung sa Tagalog na “pananalangin sa halamanan.   Ano ba talaga ang Agony?   Nagmula sa salitang Griyego, ang agonia ang tumutukoy sa paghihirap na dapat pagdaanan ng isang manlalaro o atleta bago sumabak sa isang paligsahan. Ito ang pagsasanay o training na dapat maganap bago ang isang labanan. Tila sinasabi sa atin na hindi tayo maaaring dumiretso humarap sa krus ng buhay na hindi muna tayo dadaan sa warm-up o training dahil ito ang maghuhudyat kung talaga nga bang handa na tayo sa pakikipaglaban.   Ano naman ang Passion (o sa Tagalog ay pagpapakasakit)?     Mula sa Linggo ng Palaspas, naririnig natin ang salitang Passion o Pagpapakasakit ng Panginoon. Ang ibig sabihin ng Pagpapakasakit ay ang pagpapaubaya ng Panginoong Hesus ng kanyang sarili na dumaan sa pagdurusa sa kamay ng kanyang mga kaaway. Kaya ang Pagpapakasakit o passion(tulad ng pelikulang Passion of the Christ) ang pag-aalay niya ng kanyang kamatayan hanggang sa krus para sa atin. Sa pagpapakasakit niya, si Hesus ay “passive.” Ipinaubaya niya sa kanyang mga kaaway ang aksyon na magdadala sa kanya sa kamatayan.   Pag pinag-usapan naman ang Agony o paghihirap, ito ang tumutukoy sa paghahandog ni Hesus ng kanyang buhay. Sa lahat ng sandali hanggang sa Getsemane, iniaalay ni Hesus ang buhay niya para sa atin. At sa agony, ang Panginoon ay “active” na nagdurusa dahil siya ang nagpapasya kung sa anong paraan niya iaalay ang kanyang sarili; dito sa halamanan ng Getsemane, nagpapasya siyang ialay ang nalalabi niyang buhay para sa sangkatauhan.   Kaya, tandaan po natin: Passion o Pagpapakasakit, ito ang pag-aalay ng kanyang kamatayan. Agony o paghihirap, ito ang pag-aalay naman ng kanyang buhay. Doon sa Passion, si Hesus ay passive at sa Agony, siya naman ay active sa paghahandog. Dito makikita natin na handa si Hesus ibigay sa atin kapwa ang kanyang kamatayan at ang kanyang buhay. He offers to us his life; he also offers to us his death.   Ano ang kahulugan ng Halamanan o Garden?   Bakit sa halamanan o garden naganap itong tagpo ng agony o paghihirap ng Panginoon? Hindi ba puwede na sa bundok, sa disyerto, sa sinagoga, sa Templo, o sa dalampasigan?   Para sa atin ngayon, ang halamanan o garden ay kapaki-pakinabang. Dito makakakuha ng mga gulay o bulaklak at dito makikita ang ating pinakiingatang mga halaman. Ang daming nahumaling sa paghahalaman dahil sa pandemya; ang daming naging plantito at plantita.   Pero sa Bible, ang garden ay hindi tungkol sa gulay o bulaklak at hindi para sa mga plantito diyan. Sa Bible, ang garden ay tagpuan ng mga nagmamahalan. Isipin na lamang ninyo ang Garden of Eden – dito unang nagpadama ang Diyos ng pagmamahal sa tao. Dito din unang nagkaroon ng crush ang lalaking si Adan sa babaeng si Eba.   Sa Linggo ng Pagkabuhay, si Maria Magdalena ay tumakbo sa garden para umiyak doon, dahil sobra ang kanyang katapatan at pagmamahal sa Panginoon. At sino ang natagpuan ni Magdalena doon? Si Hesus, na muling nabuhay! Si Hesus, ang mangingibig, ang nagmamahal sa buong sangkatauhan, nandoon sa garden at tumatawag sa atin na katagpuin siya doon.   Dito sa Agony, in the Garden, ang atensyon ay wala sa pisikal na paghihirap ng Panginoon. Doon sa pelikulang Passion of the Christ, nakatuon sa pisikal – sampal, suntok, hagupit, tinik, dugo, pako. Hindi naman kasi katawang atleta si Hesus. Ibang uri ng paghihirap ang naganap sa Getsemane, at sinabi niya iyan sa Huling Hapunan. Ito ay panloob na paghihirap, emosyonal, damdamin. Hindi niya sinabi na: malapit na akong bugbugin, tadyakan, suntukin. Ang sabi niya: iiwan ninyo ako; ipagkakanulo ninyo ako; mag-iisa na ako (Mk 14). Diyan nakatuon ang mabuting balita: iiwan, itatatwa, ipapahiya, pababayaang mag-isa at walang depensa.     Ang Tatlong Pagsubok sa Halamanan   Sinasabing nagpawis ng … Continue reading RECOLLECTION SA TAHANAN: GABAY PAGNINILAY SA HOLY WEEK