KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 9
TEMA 9: MABUHAY SA KASALUKUYAN UPANG MAGKAROON NG KAPAYAPAAN
PANALANGIN
Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.
Sa ngalan ng Ama…
O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.
REFLECTION 9
Narito na ang huling pananaw o saloobin na nagdadala ng kapayapaan. Ito ay ang “pamumuhay sa kasalukuyang panahon.”
Malaking kalaban ng kapayapaan ng kalooban ang ugaling balikan ang nakalipas o silipin ang kinabukasan. Ang ugaling ito ang nagdudulot ng maraming gulo at alalahanin.
Kung nais nating tanggapin ang kapayapaan ng Diyos, dapat manatili sa kasalukuyang panahon hanggat maaari, na iniaalay ang nakalipas sa walang hanggang awa ng Diyos, at ipinagkakatiwala sa mga kamay na nagbibigay ng Diyos ang kinabukasan. Gawin natin lahat ang magagawa natin ngayon, na hindi pinababayaang ang hinayang sa nakalipas o ang takot sa bukas ang magpapabigat sa atin.
Hindi ito madali. Ang ating espiritu ay lagalag. Sa halip na harapin lamang ang alalahanin na meron tayo ngayon at ganap na mamuhunan na lutasin ito, madalas lumilingon ang ating isip at imahinasyon sa kahapon at sa bukas.
Natural na mabuting bumalik sa nakalipas upang kumuha ng mga aral at upang maiwasan ang mahulog muli sa mga dating pagkakamali, o humingi ng tawad o magpatawad kung kinakailangan, o ialay sa Diyos ang mga lumang sugat na hindi pa naghihilom. Subalit dapat madiing iwasan ang pagmumuni-muni sa nakalipas, pinahihirapan ang sarili sa panghihinayang o sa pagsisisi. Kapag nakahingi na tayo sa Diyos ng kapatawaran sa ating mga pagkakamali, iwanan na natin ito sa kanyang kamay; hindi na kailangan pang balik-balikan pa. Dapat tayong makatiyak na maaari siyang gumawa ng mabuti mula sa mga ito. Walang imposible sa Diyos. Kahit ang ating mga pagkakamali ay maaari niyang pagkunan ng mabuti.
Hindi na gaanong mahalaga ang nakalipas. Napakahalagang ialay nang ganap sa mga kamay ng Diyos ang tapos na. Pagsikapan nating isabuhay ang ngayon na may tiwala, pagmamahal, at pagtutok sa naumang hinihingi ng ating bokasyon o tawag ng Diyos sa ating buhay sa kasalukuyang sandali. At ang magsimula muli bawat umaga na kalakip ang pag-asa.
Mabuting matutunan na mamuhay nang paisa-isang araw muna, lalo na kung mahirap ang panahon. Tutukan ang dapat ayusin ngayon, na hindi naghahangad na lutasin agad lahat ng mga problema, na hindi nagpipilit na baguhin ang nakalipas o makatiyak sa kinabukasan. Sabi ng Panginoong Hesus sa Mt. 6;34: “Ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Iwasang magmadali sa kinabukasan, maging sa paglalarawan sa diwa kung ano ang magiging itsura nito at kung paano ito isasaayos o maging sa pagsisikap na maagang lutasin ang mga problema na hindi pa nga lumilitaw.
Karamihan sa isinasaloob natin sa bukas ay mga pag-aalala at hindi naman talaga nagkakatotoo.
Ano ang mangyayari? Ano ako magiging matapos ang sampung taon? Naku, ubos ang oras at lakas sa mga ganitong kaabalahan. Sa halip, dapat tayong makuntento na gawin ang dapat gampanan ngayon, nagtitiwalang ang bukas ay para sa pagpapala ng Diyos, tulad ng sinasabi ng Panginoon sa Mt 6: 31-34.
“Kaya’t huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][a] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Hindi kahulugan nito na magsawalang-bahala o maging iresponsable. Kailangan naman ding isipin ang kinabukasan at paghandaan ito. Subalit kailangang gawin ito na iniiwasan ang alalahanin at takot. Ang mga ganitong kaisipan ang gumugulo sa atin at pumipigil na maging laan sa pagsasabuhay ng ngayon, ng pagiging kapiling ng Diyos, ng sarili at ng kapwa, ngayon. Sabi nga ni San Maximillian Kolbe: “Dapat maging abala pero hindi nag-aalala.” Kung gayon, mananaig ang pagmamahal at kabutihan sa lahat.
GRACE
Ano ang biyayang dapat nating hilingin? Ilagay natin sa mga kamay ng Diyos ang nakaraan na, na may tiwalang makahahanap siya ng mabuti sa mga naganap dito. Isuko din natin sa mga kamay ng Diyos ang kinabukasan. Hilingin lamang ang biyayang mabuti nating magampanan anuman ang hinihingi niya sa atin sa ngayon.
MULA SA MGA SAKSI:
Nasabi ni Padre Pio: “Ang nakaraan, Panginoon, sa iyong awa at habag; ang kasalukuyan, sa iyong pagmamahal, at ang kinabukasan, sa iyong Dakilang Pangangalaga.”
ANG SALITA
Baunin natin sa mga darating na araw ang mga salita ng Panginoon sa Mt 6: 31-34.
“Kaya’t huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][a] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
MANTRA:
Sa maghapong ito, ulit-ulitin natin ang mga salitang:
“Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
(Inspirasyon: Fr Jacques Philippe)
(A Friendly Request: will you please click the “follow” button on the “Followers” section of this blog? it will be a great help to boost the blog. thank you for your kindness. God bless!)