UNESCO IPAGDIRIWANG ANG ika-150 KAARAWAN NI ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
ST. THERESE OF THE CHILD JESUS (STA. TERESITA NG BATANG HESUS): SAGISAG NG KULTURA, EDUKASYON AT KAPAYAPAAN Ipagdiriwang ng UNESCO ang 150 kaarawan ni Santa Teresita ng Lisieux sa taong 2023. Isinilang si Therese Martin sa Alencon, France noong Enero 2, 1873. Isang babaeng Pranses na kilala sa buong daigdig bilang isang Carmelite nun at santa, si Santa Teresita ay isang babaeng hitik sa kultura, edukasyon at siyensya, na sa kanyang katauhan at mga isinulat, ay malalim na nakakikilala ng puso ng tao at nag-aanyayang tumuklas ng sagot sa maraming mga taong naghahanap ng kahulugan sa buhay, ng kapayapaan, at ng pagkakaisa ng mga tao at mga bansa. Ang pagkilala ng UNESCO kay Santa Teresita ay tugon sa mungkahi ng bansang France na lalong maipakilala siya at maikalat ang kanyang mensahe ng buhay, kapayapaan, at pagmamahal hanggang sa “pinakadulo” ng daigdig, ayon na rin kay Santa Teresita, at sa mga kataga naman ng Santo Papa ay mga “laylayan” ng mundo. Mabuhay ang diwa at kabanalan ni Santa Teresita! St. Therese of the Child Jesus, pray for us! see: kaugnay na mga articles/ materyal kay St. Therese: https://ourparishpriest.blogspot.com/2022/10/mga-materyal-resources-on-st-therese-of.html Share on FacebookTweet Total Views: 329
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed