Home » Blog » ASH WEDNESDAY: MAY DUMI KA SA NOO!

ASH WEDNESDAY: MAY DUMI KA SA NOO!

BAKIT MAY DUMI KA SA NOO?
Hindi iyan dumi, abo yan! Ang Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo o Miercoles de Ceniza ay unang araw ng Panahon ng Kuwaresma para sa mga Kristiyano, panahon ng pagninilay at pagsasakripisyo bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Nagpapalagay ang mga tao ng abo sa noo, sa anyo ng krus man o kahit guhit lamang, bilang paalala na nagmula sa abo at sa abo magbabalik (Gen. 3:19). Ang abo ay galing sa sinunog na mga palaspas na ginamit noong nakaraang Mahal na Araw.
MGA KATOLIKO LANG BA ANG GUMAGAWA NIYAN?
Noon iyon. Pero ngayon, lalo na sa ibang bansa, ang mga Kristiyano na sumusunod sa kalendaryo ng liturhiya ay may Ash Wednesday na rin – mga Metodista, Episcopalian, Presbyterian, Lutheran, at iba pa. Sa Pilipinas, hindi pa masyado itong ginagawa ng mga Protestante.
DAPAT BA MAGSIMBA BAGO MAGPALAGAY NG ABO?
Hindi naman. May mga simbahan na naglalagay ng abo kahit hindi nagsimba ang mga tao.
NASA BIBLE BA ANG ASH WEDNESDAY?
Walang salitang “ash Wednesday” sa Bible pero naroon ang tradisyon ng paglalagay ng abo bilang tanda ng pagsisisi, mula pa sa Lumang Tipan. Si Job ay naupo sa abo at alikabok. May ugnayan ang abo at pagsisisi sa aklat ni Ester, Samuel, Isaias at Jeremias. (Oo nga pala, wala ding salitang “bible” sa Bible maliban sa cover; ibig sabihin, kung wala man ang salita, naroon naman ang diwa nito).
Noong 10th century, isang monghe, si AELRIC ang nagsimulang iugnay ang abo sa panahon ng paghahanda sa Pagkabuhay, ang panahon ng Kuwaresma, bilang tanda ng pagtalikod sa kasalanan.
Noong 11th century, inalis ni Martin Luther ang kaugalian dahil hindi daw ito makikita sa Bible. Pero ngayon nga, pati mga Protestants ay nakakasumpong muli ng tradisyong ito.
PUWEDE BANG HUGASAN O BURAHIN ANG ABO SA NOO?
Hindi naman requirement na maghapon mo itong hayaan sa noo mo. Maaaring maghilamos, magmake-up, etc. Ang mahalaga ay gets mo ang kahulugan nito. Iyong iba, maghapong iniiwan sa noo ang abo bilang paalala. Pero huwag naman sana bilang dekorasyon lamang o pampayabang para masabing nagsimba ka lang.
Baka may abo ka nga sa noo tapos kain ka naman ng karne (day of abstinence ang Ash Wednesday, pag-iwas sa karne at sa mga pampasarap-buhay) at busog (day of fasting din ito).
Kung magpapalagay ka ng abo, dapat gawin mo rin ang fasting at abstinence.