SAINTS OF SEPTEMBER: SAN RAFAEL ARKANGHEL, PATRON NG PAGPAPAGALING
September 29 Tatlong Arkanghel ang kilala natin mula sa Bibliya; tatlo lamang na anghel ang pinangalanan sa Bibliya kaya bawal magbigay ng pangalan sa mga anghel dahil tanging Diyos lang ang may karapatang gawin ito. Tinatawag silang santo at ang mga pangalan nila ay may kaakibat na “San” subalit hindi sila mga banal na tao kundi mga mabubuting anghel. Sa tatlong ito, tila pinaka-kaunti ang alam natin kay San Rafael. Si San Miguel ay kilala bilang tagapagtanggol laban sa demonyo at masasamang espiritu. Si San Gabriel naman ay kilala bilang mensahero ng Pagkakatawang-tao ng ating Panginoong Hesukristo. Sina San Miguel at San Gabriel ay nabanggit sa Luma at Bagong Tipan. Subalit si San Rafael ay nabanggit lamang sa Lumang Tipan, sa Aklat ni Tobit (na hindi pa nga kinikilala ng mga Hudyo at ng mga Protestante). Sa Aklat ni Tobit, si San Rafael ay isang healer o tagapagpagaling ng isip, katawan at espiritu. Sa unang bahagi ng salaysay, ipinakikilala si Tobit na isang mabuting Hudyo na matiyagang naglibing ng mga patay kahit ipinagbabawal ito ng mga nakabihag sa kanya na mga Assyrian. Nabulag si Tobit at nang tumagal ito ng ilang taon, nagdulot ng dalamhati ito sa kanyang puso, at halos nais na niyang mamatay. May babaeng nagngangalang Sara na ginugulo naman ng demonyo at sa kanyang pitong beses na pagpapakasal, namamatay ang sinumang kanyang napangasawa bago pa sila magkaugnay sa gabi ng kasal. Nalugmok din si Sara sa kalungkutan at nagnais na mamatay na din. Ipinadala ng Diyos si San Rafael sa dalawang ito. Sinamahan niya si Tobias, ang anak ni Tobit upang humanap ng lunas sa pagkabulag mula sa apdo ng isang isda. Nagpanggap si San Rafael na isang taong kalakbay ni Tobias. Dahil dito, kinikilala din siya bilang “patron ng mga manlalakbay.” Sa kanilang pagbalik, dumaan sina San Rafael at Tobias sa tahanan ng kamag-anak – mga magulang ni Sara. Nabighani si Tobias kay Sara at sila ay nagpakasal. Sa gabi ng kasal, sa tulong nga malinis na hangarin ni Tobias at sa kapangyarihan ni San Rafael, natalo ang demonyong gumugulo kay Sara. Pag-uwi sa ama, ipinahid ni Tobias ang apdo ng isda sa mata ng kanyang ama at ito’y dali-daling gumaling at naguri sa Diyos. Habang nagsasaya ang mga tao sa pag-aasawa nina Tobias at Sara, nagpakilala ang kalakbay ni Tobias: “’Ako si Rafael, isa sa pitong anghel na humaharap sa Diyos para maglingkod sa kanya.’ Sa takot ng dalawa, sila’y nagpatirapa. ‘Huwag kayong matakot,’ wika ni Rafael, ‘pumayapa kayo. Magpasalamat kayo sa Diyos habang kayo’y nabubuhay’.” (Aklat ni Tobit 12: 15-17, Deutero-kanoniko) Ang Rafael ay nangangahulugang “Nagpapagaling ang Diyos” sa wikang Ebreo. Maaari ding “Dakilang Tagapagpaling,” o “Paghihilom ng Diyos.” Ang misyon ng arkanghel na ito ay ang magpagaling o maghilom, na napakahalagang misyon dahil sa marami ngayong nagdurusa sa karamdaman ng isip, katawan, puso at kaluluwa. Dati ay Oktubre 24 ang pista ni San Rafael subalit ngayon kasama siya sa pagdiriwang ng tatlong Arkanghel tuwing Setyembre 29. Hilingin natin ang panalangin ni San Rafael para sa anumang intension kaugnay ng karamdaman at para sa kabutihan ng ating bayan. Si San Rafael ay patron ng mga manlalakbay, ng mga bulag, ng mga may karamdamang pangangatawan, ng maligayang pagtatagpo, ng mga doctor at manggagawang pang-kalusugan o health workers. DAILY CONSECRATION TO SAINT RAPHAEL Holy Archangel Raphael, standing so close to the throne of God and offering Him our prayers, I venerate you as God’s special Friend and Messenger. I choose you as my Patron and wish to love and obey you as young Tobias did. I consecrate to you my body and soul, all my work, and my whole life. I want you to be my Guide and Counsellor in all the dangerous and difficult problems and decisions of my life. Remember, dearest Saint Raphael, that the grace of God preserved you with the good angels in heaven when the proud ones were cast into hell. I entreat you, therefore, to help me in my struggle against the world, the flesh, and the devil. Defend me from all dangers and every occasion of sin. Direct me always in the way of peace, safety, and salvation. Offer my prayers to God as you offered those of Tobias, so that through your intercession I may obtain the graces necessary for the salvation of my soul. Remember me and always entreat for me before the Face of the Son of God. Help me to love and serve my God faithfully ,to die in His grace, and finally to merit to join you in seeing and praising God forever in heaven. Amen. ourparishpriest 2023 (thanks to Aleteia.org for the consecration prayer) Share on FacebookTweet Total Views: 773
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed