KAHALAGAHAN NG PASENSYA O PAGTITIIS
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 17 Sa pamamagitan ng pasensya o pagtitiis, tulad ng paalala sa atin ng Panginoon mismo, nakakamit natin ang sukdulang kagalakan, napapasakamay natin ang ating kaluluwa. Lalong ganap ang ating pagtitiis, lalong ganap din ang ating kagalakan. Kaya, kailangan nating madalas na ipaalala sa ating sarili na sa pamamagitan ng mapagtiis na pagdurusa, tayo ay iniligtas ng ating Panginoon. Ganito din natin dapat pagsikapan ang ating kaligtasan, ang pagbata ng sakit, pagsalungat, at pagka-inis na may kahinahunan at pagkabanayad – na may pasensya – niyayakap ang lahat ng pagsubok na ipinadadala niya o pinahihintulutan niyang maganap sa atin. May mga taong handang magdusa para sa mga bagay na magbibigay sa kanila ng karangalan (tulad ng mamatay sa digmaan, o mabihag ng kaaway, o alipustain dahil sa kanyang pananampalataya) subalit ang talagang mahal nila ay ang dangal nila kaysa ang pagtitimping hinihingi ng pagdurusa. Ang tunay na matiising lingkod ng Diyos ay hindi namimili kundi mapagpasensyang pinapasan ang anumang dumarating sa kanya, ang pagsalangsang ng mga mabuti, at pati ang mga pagkamuhi ng mga masama, ang kagalang-galang man o nakaiiritang pangyayari o bagay. Sa buong maghapon, pagnilayan: Sa ating pagtitimpi, mapapasakamay natin ang ating kaluluwa. Share on FacebookTweet Total Views: 524
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed