Home » Blog » ANO ANG BANAL NA MISA? PART 33: ANG “DOXOLOGY” NG AMA NAMIN

ANO ANG BANAL NA MISA? PART 33: ANG “DOXOLOGY” NG AMA NAMIN

Sapagka’t iyo ang kaharian

at ang kapangyarihan at ang kapurihan

magpakailan man! Amen.

Ang papuring ito ay hindi orihinal na bahagi ng Ama Namin kay Mateo, at maaaring isiningit lamang noong ikatlong siglo, maaaring sa Antioquia. Madalas itong gamitin ng mga simbahan sa Silangan at ng mga Protestante at mga Anglican. Sa paglalagay nito sa Misa, sumasalo tayo sa tradisyong ito ng ating mga kapatid na Kristiyano. Tulad ng naunang doxology o papuri sa Panalanging Eukaristiko (“sa pamamagitan niya, kasama niya at sa kanya…), ang doxology na ito ay may layuning awitan ng papuri ang maluwalhating Ama.