DECEMBER 16 READINGS/ PAGBASA SA UNANG ARAW NG SIMBANG GABI
Ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin. Mapalad ang taong gumagawa nito, ang anak ng taong ang tuntuni’y ito. Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga, sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas. Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos, na siya’y hindi papayagan ng Panginoon na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon sa mga dating dayuhan na ngayo’y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, nangingilin sa Araw ng Pamamahinga; at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan: “Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Tatanggapin ko ang inyong mga handog, at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.” Ipinangako pa ng Panginoon, sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon, na marami pa siyang isasama sa kanila para mapabilang sa kanyang bayan.
Jn 5:33-36
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”
Is 56:1-3.6-8
Thus says the Lord: Observe what is right, do what is just; for my salvation is about to come, my justice, about to be revealed. Happy is the man who does this, the son of man who holds to it; who keeps the Sabbath free from profanation, and his hand from any evildoing.
Let not the foreigner say, when he would join himself to the Lord, “The Lord will surely exclude me from his people. “The foreigners who join themselves to the Lord, ministering to him, loving the name of the Lord, and becoming his servants – all who keep the Sabbath free from profanation and hold to my covenant, them I will bring to my holy mountain and make joyful in my house of prayer; their holocausts and sacrifices will be acceptable on my altar, for my house shall be called a house of prayer for all peoples.
Thus says the Lord God, who gathers the dispersed of Israel: Others will I gather to him besides those already gathered.
Jn 5:33-36
Jesus said to the Jews: “You sent emissaries to John, and he testified to the truth. I do not accept testimony from a human being, but I say this so that you may be saved. He was a burning and shining lamp, and for a while you were content to rejoice in his light.
But I have testimony greater than John’s. The works that the Father gave me to accomplish, these works that I perform testify on my behalf that the Father has sent me.”