PANALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN
Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,
Dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa.
Salamat po sa nakapakagandang kalikasang iyong nilikha.
Sa maraming paraan ng iyong presensya at patnubay upang
kami ay lumago at lumaya, maraming salamat po.
Humihingi kami ng patawad sa aming pangwawasak sa kalikasan,
Sa aming karahasan laban sa isa’t-isa.
Patuloy mo kaming minamahal at tinatawag na iyong mga anak
anuman ang aming paniniwala – Kristiyano, Hudyo o Muslim at iba
pang pananampalataya.
Ipagkaloob mo po sa amin ang katatagan ng mga matatapang,
ang paggalang sa kapwa sa salita man o gawa,
ang tamang paggamit ng kapangyarihan, at
ang pagnanais ng kapayapaan at kaayusan para sa lahat.
Walang ibang Diyos kundi ikaw, Diyos na walang hanggan,
Manlilikha at Manunubos ng tanan. Amen.
Diyos naming Ama, patawarin mo ang aming kakulangan ng paggalang sa mga taong kabilang sa ibang pananampalataya, at sa aming kaduwagan na magsalita upang huwag mapahamak ang aming kapwa.
Hesus, ang Tagapagligtas, ilayo mo kami sa mga salita at gawa na nakasasakit sa aming kapwa at nakapaninira sa kanilang pananampalataya; sa halip, magsulong nawa kami lagi ng kapayapaan.
Diyos Espiritu Santo, punuin mo kami ng paggalang sa aming pakikipag-kapwa sa mga kabilang sa anumang relihyon at pananampalataya; maging kasangkapan nawa kami ng pagkakaisa at pagpapatawad.
Amen.
photo: https://www.facebook.com/rapplerdotcom/photos/pope-francis-condoles-with-victims-of-the-bombing-during-sunday-mass-at-a-univer/822727349889335/?paipv=0&eav=AfY5r0Ng2TLzvzbEJWhPIlfC_SbN5IgiMWeP7Y56G9dair7tJy9dFmWvcJcG7uPx3zE&_rdr