ANG ROSARY AY MAY HEALTH BENEFITS
Napatunayan na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo nang malakas (may ka-partner sa sagutan ng panalangin), ay hindi lamang nakatutulong sa buhay espirituwal, kundi mayroon ding positibong epekto sa isip at katawan (psychological at physiological).
Natuklasan noong 2001 at napagtibay noong 2013, nakita ng mga eksperto na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay may magandang idinudulot sa tamang paghinga ng tao. Napapabagal nito ang paghinga na siya namang nagpapabilis ng daloy ng dugo sa utak at nagpapaganda ng tibok ng puso. Kaya, ang puso at “nervous system” ng tao ay nagiging maayos habang nagdarasal.
Matagal nang alam ng agham ang mabuting dulot ng tamang paghinga ng isang tao. At ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay may tamang ritmo ng paghinga habang nagsasagutan sa panalangin. At hindi ba marami ngang humihikab habang nagro-rosaryo? Dahil nga siguro mas nagiging relax ang isip at katawan. Ang masama lang, mayroon ding nakakatulog sa kalagitnaan! Hindi masamang antukin habang nagro-rosaryo pero mabuting pigilan ang antok at tapusin ang panalangin na kaaya-aya sa pandinig ng Diyos at ng Mahal na Birhen, at ngayo’y alam na na may dulot palang benepisyong pang-kalusugan!
Kaya, ugaliin ngayong taong ito ang araw-araw na pagdarasal ng Santo Rosaryo, para sa kalusugan ng kaluluwa… at ng katawan na din.
See: