ANO ANG BANAL NA MISA? PART 37: KORDERO NG DIYOS
Hango ang mga salita ng bahaging ito mula sa Jn 1: 29, si Hesus na tinawag ni Juan Bautista na Kordero ng Diyos. Ang titulo na “Kordero ng Diyos” naman ay mula sa Isa. 53, ang Lingkod ni Yahweh na inihalintulad sa pinatay at isinakripisyong batang tupa. Mahalaga sa mga unang Kristiyano ang larawang ito (cf 1 Peter 1: 18-19; 1 Cor :;7; Jn 19:36, Exo 12: 46, Pah 5:12, 19:9).
“Mapalad ang inanyayahan sa piging…” (Pah 19:9), tumutukoy naman sa walang hanggang piging ng Kordero sa pagdiriwang sa langit.
Tatlong beses inuulit ang Kordero ng Diyos (maaaring humigit pa dito depende sa pangangailangan kung maraming hahatiin na Tinapay; subalit bihira na itong kailanganin ngayon dahil nakahanda na ang mga ostia bago pa magmisa.
Ang Ostia o Tinapay na naging Katawan ni Kristo ay dapat magmistulang tunay na pagkain, hindi sobrang liit na parang barya na lamang at sobrang nipis na hindi na halos manguya.