Home » Blog » MGA KATOLIKONG MARTIR SA TAONG 2023

MGA KATOLIKONG MARTIR SA TAONG 2023

Ayon sa Fides (Catholic news service), sa taong 2023, dalawampung Katoliko (mga misyonero, layko o lingkod simbahan) ang nagbuwis ng buhay sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig nang dahil sa kanilang pananampalataya.

Siyam (9) ang pinatay sa Africa na mga pari, religious brother, seminarista at isang novice ng Benedictine Order. Sa America naman, anim (6) kasama ang isang obispo, tatlong pari, at dalawang babaeng layko. Sa Europa, isang lalaking layko naman ang naging martir sa pananampalataya.

Sa Asya, sa taong ito, apat (4) ang namatay sa pagsabog ng bomba na ginawa habang nagmimisa nang panahon ng Adbiyento sa campus ng Mindanao State University dito sa atin sa Pilipinas.

Samantala, kamakailan, sa panahon ng Kapaskuhan naman, ilang mga Katoliko sa Nigeria ang sinalakay ng mga militanteng Muslim at pinatay, sinunog ang mga tahanan, at ginambala ang pagdiriwang ng dakilang araw ng Pask

Ipagdasal nating matigil na ang karahasang bunga ng panatisismo sa relihyon at ng pagkamuhi sa mga taong hindi kaanib ng ating mga relihyon. Maghari nawa ang kapayapaan at pag-ibig na dala ng Pagsilang ng Panginoong Hesukristo!

Photo: PassWordtv FB page