ANO ANG BANAL NA MISA? PART 40: AWIT SA KOMUNYON
Ang awit sa Komunyon ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga tao, ng kagalakan ng kanilang puso, at ng kanilang pagkakapatiran habang nakapila sa pakikinabang. Ayon kay San Cirilo ng Jerusalem, inaawit nila ang Salmo 33 (34) bilang pagpapahayag ng kagalakan ng Eukaristiya.
Matapos ang awit, mahalagang may kaunting katahimikan naman para sa pansariling pagpapasalamat ng mga tao. Mapapansin na habang tahimik ang mga tao ay siya namang naglilinis ng kalis, siboryo at ng iba pang gamit ang pari sa altar. Marapat na gawin ang mga ito pagkatapos na ng Misa, dahil sino nga ba ang nag-uurong ng mga pinagkainan sa harap ng mga panauhin?