LA PURISSIMA CONCEPCION, STA. MARIA, BULACAN
i found this great article about Our Lady at: https://chroniclesandfrustrations.blogspot.com/2013/02/bakit-pebrero-ang-pista-ng-la-purisima.html
all credits and much gratitude to that blog and writer!
Bakit Pebrero ang Pista ng La Purisima sa Sta. Maria, Bulacan?
Sa simula ng kanyang nakatalang kasaysayan, ang Sta. Maria ay dating sakop ng bayan ng Bocaue na sakop naman noon ng Meycauayan. Ang mga bisita ng Sta. Maria, Bagbaguin at Sta. Cruz ay inihiwalay sa Bukawe upang maging isang ganap na “Pueblo”. Ito ay tinawag na Sta. Maria de Pandi. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahiwalay naman sa Sta. Maria ang bayan ng Pandi.
Una, sinasabing kasabay na dumating sa Pilipinas ng mga imahen ng Virgen dela Paz sa Antipolo at Virgen de Salambao ng Obando ang imahen ng La Purisima ng Sta. Maria.
Ikalawa, iniukit ito ng isang prayleng kastila sa Galleon patungong Pilipinas para sa bayan gamit ang isang kahoy mula sa galleon na pinaglululanan niya. Nang mailuklok ang imahen, mula noon ay patuloy na sumailalim sa pamamatnubay niya ang bayan ng Sta. Maria.
Hindi na rin mabilang ang mga himala at biyayang tinanggap ng bayan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pamimintuho sa kanya.
Ayon sa mga panayam mula sa mga taga-Sta. Maria, ang imahen ay konektado sa Pista ng Candelaria, ang palilinis o Purificacion sa Mahal na Birheng Maria. Sa mga matatandang tala at sa mga libros canonicos ng simbahan, gamit ng parokya ang titulong La Purisima.
Ilan sa mga balita ay matatagpuan daw ito sa bayan ng Gapan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Isang babae diumano ang lumapit kay Teofilo Ramirez na nagsalaysay na ang imahen daw ay nasa isang kubong malapit sa isang ilog sa Gapan. Ang babaeng ito raw ay nanaginip na kinausap siya ng Mahal na Birhen na itinuro ang kanyang kinaroroonan. Binanggit din nitong nilisan ng Birhen ang bayan dahil sa napabayaan na siya ng kanyang tagapag-alagang si Apolonia Alarcon.
Ipinahanap ni G. Ramirez ang imahen at ito ay natagpuan. Ibinilik ito sa simbahan ng Sta. Maria sa unang Huwebes ng Pebrero nang buong kasiyahan st simula noon ay ginunita na taun-taon ang pagkakabalik sa imahen mula nang ito ay mawala maliban na lamang kung papatak ang unang Huwebes sa Pista ng Candelaria.