Home » Blog » HUWAD NGA BA?: MGA HINDI KINILALANG APARISYON SA KASAYSAYAN

HUWAD NGA BA?: MGA HINDI KINILALANG APARISYON SA KASAYSAYAN

MGA DIUMANO’Y APARISYON SA PILIPINAS AT IBANG BANSA,

AYON SA MGA KINAUUKULAN

Itapiranga, Brazil: Diumano’y pagpapakita ng Mahal na Birhen at ni San Jose kay Edson Glauber, 1994-2001

Cleveland, Ohio, USA: Mga napabalitang aparisyon kay Maureen Sweeney Kyle; hindi kinilalang totoo at maaasahan.

Necedah, Wisconsin, USA: Sinabing may aparisyon ng Mahal na Birheng Maria kay Mary Ann Van Hoof, 1949-1950; pinagkaitan ng pagkilala ng obispo ng lugar noong 1955.

Dublin, Ireland: Mga pagpapakita diumano kay Maria Divine Mercy na may kalakip ng mga mensahe; hindi kinilala dahil sa mga mensaheng taliwas sa pananampalatayang Katoliko.

Lipa City, Pilipinas: Pagpapakita at pag-ulan ng mga rosas ayon kay Sr. Teresita Castillo ng Lipa Carmelite Monastery, 1948; 1951 nang ipinahayag mula sa Roma na walang tunay na himalang naganap, at pinagtibay muli ang pasya noong 2015; Samantala, patuloy ang marubdob na debosyon ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa, hindi sa aparisyon, kundi sa pagmamahal at paggalang sa Mahal na Birheng Maria; patuloy din ang paglago sa kabanalang kaugnay sa monasteryo dito at ang mga himalang personal na nararanasan ng mga deboto bunga ng kanilang panalangin at pananampalataya

Agoo, La Union, Pilipinas: Aparisyon ayon kay Judiel Nieva mula 1989-1993; noong 1993 at 1996, idineklarang hindi tunay

Rochester, New York, USA: Mga mensahe diumano kay John Leary mula sa Panginoong Hesukristo at Mahal na Birheng Maria matapos siyang dumalaw sa Medjugorje; 2000 nang ipahayag ang pagtanggi ng obispo ng lugar na kilalanin ito.

Denver, Colorado, USA: Aparisyon daw sa isang nagngangalang Theresa Lopez mula sa Mahal na Birheng Maria noong 1990; 1994 nang lumabas ang resulta ng imbestigasyon na hindi ito tunay.

Naju, Gwangju, South Korea: Nagpakita daw ang Panginoong Hesukristo kay Julia Kim noong 1982, at lumuha ng dugo ang imahen ng Mahal na Birhen noong 1985; hindi pinagtibay ng arsobispo ng Gwangju noong 1998.

(Salamat sa Aleteia website sa mga lathalaing kinonsulta)