HIMALA AT KABABALAGHAN NG MGA SANTO
MGA KAHANGA-HANGANG TANDA NG KABANALAN
Sa tradisyong Katoliko, ang mga himala ng mga santo at santa, mistiko (mga taong may malalim na karanasan ng ugnayan o pang-unawa sa Diyos, lalo na sa panalangin), at mga banal na tao ay may mayamang kasaysayan sa buhay-Kristiyano. Ang mga himala ay itinuturing na kaalinsabay ng mataas na uri ng ugnayan sa Diyos at hudyat ng kabanalan ng isang tao; bahagi ito ng tinatawag na “charisma” o anumang regalong ipinagkakaloob mula sa kabutihan ng Diyos. Maging si San Pablo ay naglarawan ng iba’t-ibang kaloob ng Diyos para sa katatagan ng simbahan sa Cor. 12: 4-11.
Bagamat hindi binanggit ni San Pablo, may iba pang hindi pangkaraniwang mga kaloob na tinanggap bilang tunay, tulad ng “levitation” (pag-angat sa lupa o paglipad sa hangin), “bilocation” (pagiging nasa dalawang lugar ng isang tao sa sabay na pagkakataon) at iba pa na kaakibat ng malalim na ugnayan sa Diyos. Itinuring ang mga ito na tiyak na tanda ng kabanalan ng isang tao, bagamat ang pinakamahalagang tanda ng kabanalan ay ang kahanga-hangang buhay at katapatan ng isang tao kay Kristo, higit pa sa mga himala. Ang mga himala ay mga bonus na lamang. Simula ika-17 siglo, mas binigyang halaga ng simbahang Katoliko ang kabanalan ng buhay bilang hudyat ng pagiging santo o santa kaysa mga himalang ipinamalas o naranasan ng mga ito.
Ang pinakakatangi-tangi sa mga kaloob o “charism” ay maisasaayos sa dalawang hanay: una, mga pangyayaring panlabas at pisikal at nakitang kaugnay ng katawan; ikalawa, mga kaganapang hindi nakikita subalit kaakibat ng malalim na panalangin o ugnayan sa Diyos.
Sa unang hanay, may 15 pisikal na kaganapan na iniuugnay sa kabanalan:
- Visible ecstasies, raptures, and trances: kung ang katawan ay pumapasok sa kalagayang walang malay sa paligid, naninigas, walang pandama, tutok sa panalangin o pakikipag-ugnayan sa Diyos
- Levitation: ang katawan ay angat sa hangin, lumulutang o lumilipad
- Weightlessness: ang katawan ay tuluyang wala o halos walang bigat habang nasa malalim na panalangin, o levitation o pagkatapos ng kamatayan.
- Transvection: ang katawan ay naglalakbay sa hangin mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar na walang tinatayang oras
- Mystical transport o teleportation: ang katawan ay pumapasok sa isang lugar biglaan, dumarating sa isang lugar kahit na walang panahong lumipas, at minsan ay sa pagitan ng malayong distansya
- Bilocation: ang katawan ay nasa dalawang lugar sa sabay na pagkakataon
- Stigmatization: ang katawan ay dumadanas ng limang sugat ng Kristong Nakapako o anumang sugat kaugnay ng Pagpapakasakit ng Panginoon
- Luminous irradiance: ang katawan ay nagliliwanag
- Supernatural hyperosmia: mataas na antas ng pang-amoy kung saan naaamoy ng banal ang mga kasalanan ng iba
- Supernatural inedia: ang kakayahang mabuhay na walang pagkain o konting-konting pagkain lamang
- Supernatural insomnia: ang kakayahang mabuhay na wala o halo walang tulog
- Visible demonic molestations: pisikal na pagsalungat ng demonyo na nakakasugat sa katawan
- Odor of sanctity: ang katawan ay naglalabas ng kakaiba at natatanging mabangong amoy
- Supernatural incorruption: kapag ang bangkay ng santo ay hindi naaagnas subalit nananatiling buo sa kabila ng maraming taon, dekada, o siglo; dapat dito walang embalsamong naganap bago ang libing
- Supernatural oozing, o myroblitism: kapang ang bangkay ay naglalabas ng mabangong at mala-langis na likido na nakapagpapagaling sa mga maysakit o pinagmumulan ng mga himala para sa iba
Sa ikalawang hanay, nariyan naman ang mga kaganapang hindi pisikal at maaaring hindi nakikita ng iba maliban sa banal na tao na dumadanas nito:
- Visions, locutions, and apparitions: kapag ang mistiko ay nagkakaroon ng iba’t-ibang pakikipagtagpo sa Diyos na lingid sa paningin ng iba, at tumatanggap ang mistiko ng mga mensahe mula sa Diyos na nakikita o naririnig niya o maaaring purong espirituwal.
- Invisible demonic molestations: kapag ang mistiko ay inaatake ng demonyo sa espirituwal o pang-kaisipang paraan, at minsan may kalakip na nakikita niya subalit hindi nakikita ng iba
- Telekinesis: ang kakayahang magpagalaw ng mga bagay na malayo sa pamamagitan ng hindi pisikal na paraan, kahit hindi nahihipo ang mga ito.
- Telepathy: ang kakayahang magbasa ng iniisip at ng budhi ng ibang tao at makipag-ugnayan sa pamamagitan lamang ng isip.
- Prophecy: ang kakayahang makaalam at magsabi ng magaganap sa kinabukasan na tumpak, pati na ang tungkol sa sariling kamatayan
- Supernatural remote vision: ang kakayahang makita ang nagaganap sa ibang lugar
- Supernatural dreams: ang kakayahang makipagtalastasan sa Diyos habang natutulog.
- Infused knowledge: tinuturuan ng Diyos mismo, kahit walang pormal na edukasyon ang tao, sa pamamagitan ng mga ecstasy, vision, locution at apparition.
- Supernatural control over nature: kakayahang utusan ang kilos ng panahon, mga hayop at halaman at makipagtalastasan sa mga hayop.
- Discernment of spirits: kakayahang kilatisin kung ang isang pangyayari ay gawa ng Diyos o mula sa demonyo
Isa lamang sa mga nabanggit sa itaas ang maaaring ituring na katangi-tanging Kristiyanong kaganapan – ang stigmata (o paglitaw ng mga sugat ng Panginoong Hesukristo sa katawan ng banal na tao o mistiko, tulad ng unang pangyayari nito na naganap kay San Francisco de Asis. Lahat ng ibang maaaring tanda ng kabanalan ay matatagpuan din sa mga salaysay ng ibang mga relihyon at kultura.
(batayan: Matthew Sadle (Window Light blog) at Carlos Eire, sa aklat niyang “They Flew: A History of the Impossible”)