Home » Blog » SANTONG MAY PINAKAMARAMING HIMALA HANGGANG NGAYON: SAN SHARBEL (ST. CHARBEL)

SANTONG MAY PINAKAMARAMING HIMALA HANGGANG NGAYON: SAN SHARBEL (ST. CHARBEL)

Bukod sa Mahal na Birheng Maria, ang santo na kinikilalang may pinakamaraming nagawa (at ginagawa pa) na mga himala ay ang ermitanyong si San Sharbel (o Saint Charbel/ Sharbel) mula sa bansang Lebanon, ang pinaka-Kristiyanong bansa sa buong Middle East. Ayon sa talaan ng mga himala niya, umabot na ito sa 26,000 (sabi ng iba ay 30,000) na mga pagpapagaling (healing), mga panalanging ipinagkaloob (answered prayers), at mga pagbabalik-loob sa Diyos (conversions). Isa din siya sa mga santo na incorruptible o hindi naagnas ang katawan matapos ang kanyang kamatayan. Ano pa ang hinihintay? Kaibiganin na natin ang santong ito na tiyak na kaloob ng Diyos para sa ating lahat, lalo na sa mga Pilipinong may mga matitinding pangangailangan sa buhay, sa katawan, at iba’t-ibang kahilingan. San Sharbel, maghimala din po kayo sa amin!

Narito ang ilang materyal o resources tungkol sa kanya:

PANALANGIN UPANG MAGKAMIT NG NATATANGING BIYAYA SA TULONG NI SAN SHARBEL

O Panginoon, lubhang banal at luwalhati ng mga banal, pinukaw mo ang banal na monghe at ermitanyong si San Sharbel upang mabuhay at mamatay ayon sa landas ni Hesukristo at pinagkalooban mo siya ng lakas na talikdan ang daigdig upang manaig sa kaniyang buhay-ermitanyo ang mga panata ng buhay bilang monghe.

Nagsusumamo kaming ipagkaloob mo sa amin ang biyayang mahalin at paglingkuran ka sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang halimbawa.

Diyos na makapangyarihan, na nagpamalas ng bisa ng pananalangin ni San Sharbel para sa amin sa tulong ng mga himala at biyaya, loobin mo nawang makamtan naming ang biyayang ito… (banggitin ang kahilingan). Amen.

Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati…

MAAARI DING DALAWIN ANG MGA SUMUSUNOD:

ITO NAMAN ANG WEBSITE NG PROMOTERS NG KANYANG DEVOTION SA USA

https://www.familyofsaintsharbel.org

photo credit: Aleteia website; salamat po!