SAINTS OF SEPTEMBER: MOTHER TERESA NG CALCUTTA, DALAGA
SETYEMBRE 5 A. KUWENTO NG BUHAY Nasanay tayo na pag sinabing santo, tiyak na isinilang o namatay noong unang-unang panahon na nagsisimula pa lang ang simbahan, o kaya noong Middle Ages, o kaya malapit sa panahon ng Second World War. Pero alam ba ninyo na ang mismong panahon natin ngayon ay panahon din ng mga santo? Si Mother Teresa ng Calcutta ay nakita ng marami sa atin sa telebisyon, sa diyaryo, o sa personal na mga pagdalaw niya sa Pilipinas. May mga Pilipinong buhay ngayon na may mga picture kasama ni Mother Teresa. May mga isinulat siyang aklat o mga aklat na tungkol sa kanya ng mga taong nakakilala at humanga sa kanya wala pang kalahating century ang nakalilipas. Isa siyang santa ng ating panahon. Isinilang sa bansang Albania si Agnes Bojaxhiu noong 1910 sa isang maayos na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay talagang mabubuting tao na may puso para sa kanilang mga kapitbahay at may matibay na pananampalataya sa Panginoong Jesukristo. Dalawang pang kapatid niya ang lumaking kapiling niya sa kanilang tahanan. Maganda ang bunga ng pananampalataya ni Agnes bilang isang kabataan kaya naisipan niyang ilaan ang sarili bilang isang madre nang maging dalaga na siya. Pumasok siya sa kumbento ng mga Loreto Sisters na mula sa Ireland. Ipinadala siya ng mga ito sa kanilang misyon sa bansang India. Pinili ni Agnes ang pangalang Sister Teresa nang maging ganap siyang madre. Masipag siyang naglingkod sa kanyang bagong destino bilang isang titser ng mga batang babae sa lugar na tinatawag na Calcutta, isang siyudad na bagamat may mga mayayamang mamamayan, ay punong-puno din ng mga mahihirap na tao na nasa labas lamang ng kanilang kumbento. Hindi maikakaila na nadudurog ang puso ni Sister Teresa sa tuwing makikita niya ang mga naghihirap na mga matatanda at mga bata. Parang kurot sa kanyang puso ang makita silang kaawa-awa. Sinabi ni Sister Teresa na nakaranas siya ng isang kakaibang pagtawag ng Diyos habang nakasakay siya sa tren patungong Darjeeling para dumalo sa isang retreat. Malinaw na tinawag daw siya ng Diyos na lisanin ang kumbento at makipamuhay sa mga mahihirap na tao (ang tawag niya dito ay “call within a call”). Dito niya hahanapin si Jesus sa mukha ng mga pinakadukha sa mga dukha (ang tawag niya sa kanila ay “poorest of the poor”). Maayos siyang nagpaalam sa obispo at sa kanyang mga superior. Agad siyang tumira sa mga squatters’ area ng Calcutta upang maging mas malapit siya sa mga mahihirap. Nagturo siya sa mga bata doon. Dinalaw niya ang mga tahanan at ang mga maysakit. Kinilala niya ang mga tao at ang kanilang mga problema sa buhay. Itinatag ni Sister Teresa ang religious congregation na Missionaries of Charity (MC), at naging pinuno siya ng mga kabataaang babae (ang iba ay dating mga estudyante niya) na nagnais maging madre. Tinawag na siya bilang Mother Teresa. Kakaiba ang suot ng mga madreng ito dahil sinunod nila ang damit ng ordinaryong babae sa India, isang puting sari na may mga guhit na asul sa dulo ng kanilang belo. Unti-unting dumagsa ang mga volunteers at mga donors upang tuwangan si Mother Teresa at ang mga Missionaries of Charity sa kanilang gawain na alagaan ang mga abandonado at malapit nang mamatay na wala nang nag-aalaga, pati na rin ang mga bata, mga ulila, mga lasenggero, mga matatanda at mga taong lansangan. Nakilala si Mother Teresa bilang simbolo ng pagmamahal sa mga taong walang nagmamahal. Tinanggap niya ang Nobel Peace Prize noong 1979. Nilibot niya ang buong mundo at nagtayo ng maraming mga tahanan para sa mga higit na nangangailangan. Ang kanyang mga madre ang pinakamarami sa lahat ng grupo ng madre ngayon. Sa Pilipinas, una siyang nagtayo ng mga ampunan sa Tayuman sa Maynila, sa imbitasyon ng yumaong banal at magiting na arsobispo na si Jaime Cardinal Sin, na naging malapit niyang kaibigan. Naging malapit sa puso ng mga Santo Papa, lalo na sina Pope Paul VI at Pope John Paul II (isa na ring santo ngayon) si Mother Teresa at ang kanyang mga nagawang kabutihan. Napamahal din siya sa mga lider ng iba’t-ibang relihyon at mga bansa. Ilang beses na dumalaw sa Pilipinas si Mother Teresa at lumaganap ang kanyang mga ampunan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Naging malapit ako sa mga Missionaries of Charity sa Tayuman, Tagaytay, del Pan at Antipolo. Mahirap kalimutan ang kabutihan at mga ngiti nila Sister Fatima, Sister John of the Cross, Sister Nirmalata, Sister Denisa, Sister Trinidad at iba pang naging kaibigan ko. Madalas ko silang dalawin o tawagan. Nabigyan ko rin sila ng mga formation talks. Kahit hindi ko personal na nakaharap at nakausap si Mother Teresa noong nabubuhay pa siya, ipinakilala naman ako ng mga madre niya sa dalawang magkasunod na kahalili niya na dumalaw sa Maynila. Binigyan ako ng postulator (ang naghahawak ng proseso tungo sa kanyang pagiging ganap na santa) ng isang relic na galing sa buhok ni Mother Teresa. Ito ay nasa pangangalaga ngayon ni Sis. Emy Amar na isang napakabanal na lingkod ng Diyos sa parokya at isang matalik kong kaibigan. Namatay si Mother Teresa noong Setiyembre 5, 1997, kasunod lamang ng ilang araw ng kamatayan naman ni Princess Diana ng England na isa niyang mabuting kaibigan. Ang libing ni Mother Teresa ay nakita sa telebisyon sa buong mundo at dinaluhan ng mga lider ng simbahan at ibang mga relihyon at ng mga bansa. Napakapalad natin dahil nakasalamuha natin ang isang santa (tawag sa kanya noong nabubuhay pa siya ay “living saint”) sa ating kapanahunan. Hindi lahat ng tao ay may paniwala kay Mother Teresa. Noong una ay nahirapan siyang kumbinsihin ang mga kabilang sa pananampalatayang Hindu sa Calcutta tungkol sa kanyang mabuting intensyon. At sa proseso bago ang kanyang pagkahirang bilang Blessed, isang sikat na atheist (hindi naniniwala sa Diyos), si Christoper Hitchens, ay nagpatotoo na ang madre daw na ito ay isang taong plastik at ipokrita lamang. Subalit nanaig ang kalooban ng Diyos na bigyan ng karangalan ang kabanalan at pagmamahal na bunga ng Kristiyanong paninindigan ni Mother Teresa. Itinanghal … Continue reading SAINTS OF SEPTEMBER: MOTHER TERESA NG CALCUTTA, DALAGA
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed