Home » Blog » PANALANGIN PARA SA MGA APEKTADO NG MGA DIGMAAN SA DAIGDIG

PANALANGIN PARA SA MGA APEKTADO NG MGA DIGMAAN SA DAIGDIG

(lalo na sa Ukraine, Israel at Gaza at iba pa…)

Panginoong Hesus, walang sinuman ang dayuhan sa mata mo at walang sinuman ang nalalayo sa iyong mapagmahal na kalinga. Sa iyong kagandahang-loob, masdan mo po at tulungan ang  mga nawalan ng tahanan, trabaho at mga mahal sa buhay, ang mga nagging biktima ng mga digmaang dulot ng katigasan ng aming puso. Basbasan mo po at tulungan ang mga nalayo sa kanilang mga pamilya, ang mga nawawala at napadpad sa malayo, at ang mga lumikas na at tumakas sa gitna ng mga kaguluhan ng giyera. Ibalik mo po ang lahat sa lugar kung saan sila nangungulilang manahan at pukawin mo po ang loob naming lahat na tumulong sa mga dayuhan at sa lahat ng kapatid naming nangangailangan. Amen.