JUBILEE 2025: PAG-ASA, ANO BA ITO?
ANO ANG PAG-ASA? Alam ba ninyo na sa inauguration pa lamang ni Pope Francis bilang bagong Santo Papa noong 2013, bahagi na ng kanyang adhikain na anyayahan ang mga tao na maging mga tagapagdala ng pag-asa sa mundo? Ang ikalawang pagbasa sa Misa noong araw na iyon ay Rom. 4:18 na tumutukoy kay Abraham: “hoping against hope, he believed.” Magandang pakinggan ang laro sa salita sa Ingles. Sa Tagalog naman medyo hindi gaanong sapul ang orihinal na mensahe: “kahit walang pag-asa, nanalig pa din siya…” Mas maganda siguro kung: “kumapit sa pag-asa kahit hindi matanaw ang pag-asa.” Umaasa, kahit mailap ang pag-asa… umaasa kahit tila walang aasahan pa… Kahit madilim ang mga ulap, may pag-asa pa din mula sa Diyos. Ang pag-asang ito ay isang “theological virtue,” isang “kabutihang taglay” na galing mismo sa Diyos – dahil nakapaloob ito sa Diyos at nakatayo sa batong tuntungan na walang iba kundi ang Diyos. Wow! Ganyan pala kaganda ang tinatawag na “pag-asa.” Ang Jubilee Year 2025: Tema – Mga Manlalakbay sa Pag-asa (Pilgrims of Hope) Hindi nakalimutan ni Pope Francis ang kanyang orihinal na mensahe noon kahit lumipas ang mga taon; nang ideklara niya ang tema ng Jubilee 2025, ang napili niyang sentro ay “pag-asa!” Nais ko ngayong magbigay ng paunang paliwanag; mga “basics” tungkol sa pag-asa. Ano ba ito? Ano ang saysay nito sa buhay nating mga Kristiyano at Katoliko? Una: Kahulugan ng Pag-asa Ang pag-asa ay isang “virtue” – kabutihang taglay – na mula sa Diyos. May pag-asang “natural” at may pag-asang “theological” o teyolohikal. Iyong natural na pag-asa ay bahagi ng ating buhay bilang tao. Ito ang pag-asa na nagbibigay lakas sa atin na lumaban sa buhay. Isang kaibigan ko ang nagsabing may 5 taon na siyang nakikipagbuno sa depresyon pero nakakayanan pa rin niyang lumaban. Hindi ba gumigising tayo sa umaga, kahit maraming problema, bumabangon at bumabangon para sa pamilya o sa sariling mga pangarap. Iyong ibang may kanser, patuloy na naniniwalang malalampasan ang sakit kahit gaano pa katagal ang gamutan, alang-alang sa mga minamahal. Natural sa atin ang maging handang lumaban sa anumang pagsubok o hilahil dahil nga may pag-asang nakatanim sa puso natin bilang mga tao, bilang mga nilikha. Iyang ang pag-asang natural (natural hope). Pero kakaiba ang pag-asang banal/ pag-asang teyolohikal (theological hope) dahil ito, bukod sa pag-asang natural sa ating pagkatao, ay dagdag pa ng Diyos sa ating buhay; mula sa Diyos, hindi lamang mula sa kalikasan ng tao; hindi mula sa natural na tapang at katatagan ng puso ng tao. Ang pinagmumulan nito ay hindi nakikita pero nahayag sa pamamagitan ng Pagkakatawang-tao ng Panginoong Hesukristo, kaya ito ay regalo ng Diyos sa atin. At dahil dito, lubhang maaasahan, mapagkakatiwaaan, mauunawaan, at mabisa ang pag-asang ito. Tandaan: may pag-asang natural at may pag-asang banal o teyolohikal na mula sa Diyos! Grabe, exciting ito! Nais ng Diyos na kasama si Hesus, maglakbay tayo sa buhay na may taglay na tiwala at kapayapaan, kahit pa sabihing batbat tayo ng sagabal at mga balakid. Binibigyan tayo ni Hesus ng kakayahang laging magpatuloy, hanggang marating natin ang hantungan sa Ama na siyang bukal ng kaligtasan. Ito ang kahulugan ng Rom 8: 24: “in hope, you were saved,”… Naligtas tayo dahil sa pag-asa. Paano nagliligtas ang pag-asa? Kapag ang ating panloob na buhay ay isang patuloy na paglalakbay, hindi tumitirik o humihinto, laging bukas sa Diyos na nakikilala natin kay Hesus – iyan ang susi ng pag-asang nagliligtas. Naligtas tayo dahil sa pananampalataya , sabi ng Bibliya. Iyan ang madalas na panghawakan ng ating mga kapatid na Protestante. Subalit, naligtas din tayo sa pamamagitan ng pag-asa; habang may buhay, may pag-asa… Para sa Kristiyano, laging may pag-asa, pero hindi huhugutin sa sariling lakas, kundi sa Diyos na laging nagmamahal. Ikalawa: ang Batayan ng Pag-asa Ano ba ang saligan ng pag-asa? Ang batayan ng pananampalataya ay ang mga TURO AT ARAL ng Diyos; halimbawa, ang Kredo, ang Apostles’ o Nicene Creed. Ang pag-asa naman, ang tuntungan nito at lakas ay mula sa PANGAKO; tama po, pangako ng Diyos. Ang mga sinaunang propeta, umasa sa mga pangako ng Diyos na ililigtas ang bayan. Sabi ng Diyos: Narito ako; Here I am!… Hindi ako malayo sa inyo… at tumugon na may pananalig at kagalakan ang mga tao. Kung may pagkakataon mang tila tapos na ang lahat, na panay negatibo ang nangyayari, na palagi na lang nadadapa at nahuhulog sa kahinaan, na ang hirap nang maniwala, na tila mas kapani-paniwala ang tukso, na tila wala nang saysay ang lahat – kumakapit tayo sa PANGAKO ng Diyos. Diyan pumapasok ang pag-asa… na ang Diyos ay magpapadala pa din ng lugod at ginhawa, ng kalayaan at kapayapaan, ng inaasam nating solusyon sa ating mga alalahanin. Ang pagkasiphayo ay nalulupig ng pag-asa natin na ang kasamaan at paghihirap ay hindi magtatagal dahil narito lagi ang Diyos, kasama natin, nagmamahal at kumakalinga sa atin. Sabi ni St. Charles de Foucauld, “God is the God of the impossible,”; hindi napipigil ang Diyos ng pader ng imposible. Walang makakalupig sa kanya. Ikatlo: ang PAG-ASA at ang mga maliliit na tao Ang pag-asa ay madaling maunawaan ng mga “maliliit na tao,” ng mga mahihirap at dukha. Ang mga mayayaman, matatalino at matataas na tao ay walang paki sa mga pangako. Kasi nasa kanila na ang lahat nilang kailangan sa buhay. E ang pag-asa ay batay sa pangako, di ba? Sa Lumang Tipan, ang Israel ay pinatalsik mula sa sarili nilang bayan. Ang tanging makakapitan nila ay ang nga pangako ng Diyos na hindi sila iiwan o pababayaan man. May ibang nawalan ng pag-asa, may iba ding patuloy na umasa. Sa Bagong Tipan, nariyan ang mga halimbawa nina Maria, Ina ng Pag-asa, ni San Jose, na nagpangalan kay Hesus ng pangalang pag-asa ng daigdig, at ang mga pastol, na mga maliliit na tao na ang yaman ay wala sa materyal kundi nasa pangako ng Diyos ng kaligtasan. May babala! Mag-ingat sa mga mali o huwad na pag-asa. Huwag umasa sa mga materyal na bagay… sa mga bagay na lumilipas… sa … Continue reading JUBILEE 2025: PAG-ASA, ANO BA ITO?
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed