500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA PARING PRANSISKANO (FRANCISCANS) SA PILIPINAS
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS
Dumating ang mga Franciscans sa Pilipinas noong 1578 upang tulungan ang mga naunang paring Augustinians.
Sa Maynila, nagsimula sila sa Santa Ana de Sapa, Paco, Pandacan, Loreto at San Francisco del Monte.
Nagpalaganap din sila ng Mabuting Balita sa Laguna at Quezon at Bicol.
Ninais nilang gawing tuntungan ang Pilipinas upang maabot ang pangarap na makarating din sa China.
Nang makita nilang tila imposible pa ang misyon doon, lalo silang naging tutok sa Pilipinas.
Isa sa mga mabubuting nagawa nila ay ang matipon ang mga tao na noon ay kalat-kalat sa mga bundok at bukid upang manirahan ng sama-sama sa mga bayan at nayon.
Si Padre Juan de Plasencia, na isang magaling na misyonero, historian, at anthropologist, ay nagsulat ng mga kaugalian at gawi ng mga Pilipino noon.
Nagsimula sa mga unang misyonerong ito ang nakagisnan na ngayon na ayos ng mga bayan – may plaza, may simbahan, may munisipyo at may paaralan na magkakalapit lamang.
Nakarating din ang mga Franciscans sa Samar at Leyte.
Sa kanila nagsimula ang San Juan de Dios Hospital, Naga Hospital of San Diego, Hospital of Holy Waters sa Los Baños, at San Lazaro Hospital para sa mga ketongin.
Isinulat nila ang unang Spanish-Tagalog dictionary, ang Vocabulario de la Lengua Tagala, na nalimbag sa Pila, Laguna.
Si San Pedro Bautista ang isa sa mga maringal na kasapi ng Franciscans na maraming naitulong sa paglago ng ating bansa.
salamat sa Archdiocese of Manila: A Pilgrimage in Time (2000)