Home » Blog » 500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA AGUSTINO (AUGUSTINIANS), UNANG MISYONERO

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA AGUSTINO (AUGUSTINIANS), UNANG MISYONERO

SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS



 

Ang unang dumating na mga paring misyonera o mga prayle sa Pilipinas ay kabilang sa religious order ng Augustinians, o mga prayleng Agustino. Kasama sila sa expedition ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565.

 

Lima sa kanila ay nagmula sa Mexico: sina Padre Andres de Urdaneta, Padre Diego de Herrera, Padre Andres de Aguirre, Padre Martin de Rada at Padre Pedro de Gamboa.

 

Mabubuting misyonero ang limang ito. Masisipag sila at masisigasig sa pananampalataya.

 

Nanirahan sa Cebu ang mga unang Augustinians. Itinayo nila ang isang munting simbahan at kumbento sa karangalan ng Santo Niño. Dahil dito, ang Cebu ang naging duyan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

Pinalampas nila ang ilang taon bago nagbinyag ng mga katutubo, dahil hindi sila segurado sa desisyon ng Espanya na manatili sa Pilipinas. Nang maging malinaw na magtatagal ang mga Kastila sa ating bansa, naging masigasig sila sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

 

Nang maitatag ang lungsod ng Maynila noong 1571, itinayo ng mga Augustinians ang San Agustin Church at kumbento (nasa Intramuros ngayon).

 

Simula doon, taun-taon ay nagmi-misyon sila sa iba’t ibang lugar.

 

Nakarating sila sa Pampanga, Cagayan, Laguna, Batangas, Ceby, Panay at Maynila.

 

Napakarami nilang nabinyagan bilang mga bagong Katoliko.

 

Sila ang tanging mga misyonero sa Pilipinas hanggang noong 1578 dumating ang mga Pransiskano.

salamat sa Archdiocese of Manila: A Pilgrimage in Time (2000)