San Francisco de Sales 9: SAPAT NA SA DIYOS ANG KAUNTING MAYROON TAYO
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 9
Ang pinakamalaking pagkakamali natin tungkol sa Diyos, at siyang nagdudulot sa atin ng madalas na pagkawala ng kapayapaan, ay ang kaisipan na maraming hinihingi sa atin ang Diyos kahit na tayo ay marurupok na mga nilalang na mahihirapang gawin ito.
Nakakatakot ang ganitong Diyos a!
Subalit ang katotohanan, ang Diyos ay kuntento sa anumang maliit na maibibigay natin sa kanya dahil alam ng Diyos – at tinatanggap niya – ang munting mayroon sa atin.
Kailangan nating gawin ang tatlong bagay:
Gawin ang lahat ng makakaya upang matagpuan at parangalan ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa.
Gawin anuman – kahit maliit – na kaya natin upang mamuhay nang ganito.
Ipagpaubaya sa Diyos ang lahat.
Kung susundin natin ang mga simpleng batas na ito, mapapasaatin ang Diyos.
At kung mapasaatin na nga ang Diyos, hindi na tayo maliligalig, hindi na tayo mababagabag, dahil wala namang dahilan upang katakutan ang Diyos, na hindi kailanman humingi sa atin ng bagay na hindi natin kayang ibigay sa kanya.
Sa buong maghapon, pagnilayan:
Kuntento ang Diyos sa anumang maliit na mayroon tayo.
–>