Home » Blog » IWASANG MAGING PALPAK NA DEFENDER NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO – 3

IWASANG MAGING PALPAK NA DEFENDER NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO – 3

3.         IWASANG MAGKULANG SA TIWALA SA DIYOS

HINDI IBIG SABIHIN NITO NA MAHINA ANG PANANAMPALATAYA NG MGA KATOLIKONG EVANGELIZER O DEFENDER. PERO BAKA KULANG SA IBANG LEVEL NG PAGSAMPALATAYA SA DIYOS.

NAGLALAAN BA NG ORAS SA PERSONAL PRAYER SA BLESSED SACRAMENT? NAGSASAYANG BA NG SAPAT NA ORAS PARA SA PAGNINILAY SA BIBLIYA AT SPIRITUAL READING? (O KATUWIRAN AY “ALAM KO NA IYAN!!!”) DUMADALO BA SA MGA FORMATION, SEMINAR AT PROGRAMA NG PAROKYA NILA? (“NAKU, LALONG ALAM KO NA IYAN!” “TAPOS NA AKO DIYAN!”)

NAGBABASA BA NG MGA CLASSIC LITERATURE NA KATOLIKO (AKLAT NG MGA SANTO, SOLID BOOKS AT AUTHORS) O KUNTENTO SA INTERNET LANG, PAMPHLET, ETC.?

ANG PANANAMPALATAYA AY KALOOB NG DIYOS, REGALO. DIYOS LAMANG ANG TAGAPAGBIGAY. ANG ATING LAKAS NG LOOB AY HINDI SA SARILI MAGMUMULA, KUNDI SA HARAP NG PANGINOON.

IYONG IBA, PALIWANAG NANG PALIWANAG. SALITA NANG SALITA. HINDI NAMAN TUMATAHIMIK SA PAANAN NG KRUS NI KRISTO. HINDI NAGNINILAY AT NANANAHIMIK.

KUNG NAIS NATING MAG-AKAY, MAGING TULAD NI KRISTO. PAANO MANGYAYARI ITO? LUMAGO MUNA TAYO SA PILING NG PANGINOON!

KAPAG MADASALIN, BANAYAD, MAPAGMAHAL AT MAUNAWAIN SA PAGSASALITA AT PAGPAPALIWANAG NAGIGING SALAMIN SIYA NG KANYANG DIYOS.

SABI NI SAN FRANCISCO DE SALES, MAS MARAMING BUBUYOG ANG NAAAKIT NG KONTING PULOT KAYSA NG ISANG TASANG SUKA. ANG PULOT NA ITO AY ANG MALALIM AT TUNAY NA ESPIRITUWALIDAD.

–>