Home » Blog » MGA PANINIWALA SA ASH WEDNESDAY!

MGA PANINIWALA SA ASH WEDNESDAY!

Excited magsimba pag Ash Wednesday… pero hindi nagsisimba tuwing Linggo. Mas importante talaga ito?

Gustong magpapahid ng abo sa noo… para magmukhang “in” sa araw na iyon.

May abo sa noo pero pag tinanong kung bakit, hindi maipaliwanag… nasa catechism book naman ang explanation… basa-basa din pag may time!

May abo sa noo… pero ang tuloy ay sa Joliibee… ano nangyari sa fasting at abstinence?

Kakatok sa simbahan para magpapahid ng abo kahit gabi na, kasi hindi daw mapalagay kung hindi ito gagawin…

Babalik sa pari para ipaayos ulit ang pahid ng abo kasi hindi daw maayos ang hugis ng krus…

Magpapalagay ng abo pero buburahin agad kasi nahihiyang makita ng ibang tao…

Dadalo sa Misa ng Ash Wednesday pero pagkapahid ng abo, uuwi na… oy, tapusin mo na ang Misa!

Matutulog sa gabi na may abo pa sa noo… hindi po bawal maghilamos!