Ayon sa nakaraang survey ng Social Weather Stations na kinalap noong December 2022, sa pambansang survey tungkol sa mga Katolikong Pilipino, mataas ang antas ng pagtupad ng mga ito sa iba’t-ibang aspekto ng kanilang buhay espirituwal at buhay pananampalataya.
79% ng mga Katoliko ang nagsabing nagdarasal sila kahit isang bawat araw. 10% naman ang nagdarasal nang makailang ulit sa loob ng isang linggo. 6% ang nagsabing minsan sa isang linggo kung sila ay magdasal. 4% ang nagdadasal nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Isa pang 4% ang nagsabing minsan sa isang buwan kung silay manalangin at 2% naman halos linggo-linggo kung magdasal. 1% ang nagdadasal ilang beses sa loob ng isang taon at isa pang 1% lamang sa mga Katolikong nasama sa survey ang nagsabing hindi sila nagdarasal kahit kailan (mga astig!).
Ayon sa survey, lumalabas na 38% ng mga Katoliko ang nagsisimba minsan o higit pa sa loob ng isang linggo. 24% ang nagsisimba dalawa at higit pang beses sa isang buwan. 20% ang nagsisimba minsan sa isang buwan. 9% daw naman ang nagsisimba dalawa hanggang labing-isang beses sa isang taon. 7% ang nagsisimba minsan lamang sa isang taon at 3% naman ang hindi talaga nagsisimba (eto pa ang astig din!).
Mas gusto daw ng mga Pilipino ang dumalaw sa simbahan upang magsimba. 93% ang personal na pumapasok sa simbahan para manalangin. 3% ang nahilig na sa online o TV masses. 2% naman ang parehong personal at online ang gustong daluhang pagdiriwang. 1% ang hindi talaga nakikilahok sa anumang pagdiriwang.
Ang isinabak sa survey na ito ay ang mga tugon ng 1,200 Pilipino na may edad 18 pataas at 79% sa kanila ay Katoliko. Mahalaga ang ganitong kaalaman dahil karamihan sa mga Pilipino ay kabilang sa simbahang Katolika at nakatutulong ang survey sa pagpaplano ng programa para sa mga kasapi ng simbahan.
Basehan/ Salamat sa:
https://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20230220175108
at sa