GABAY SA MATIWASAY NA PAMUMUHAY PART 2
GABAY 11: ANG PAGBIBIGAY AT PAGTANGGAP AY IISA
Matutunan mo nawa na ang pagbibigay at pagtanggap ay iisa; ngayon ihandog mo ang pang-unawa, kabutihan, at habag sa bawat taong makakasalamuha o dadapo sa iyong isip. Babalik din ito sa iyo, sa awa ng Diyos.
GABAY 12: TURUAN ANG ISIP
Tuturuan natin ang ating isip dahil tayo lang ang may pananagutan dito. Kung may darating na kaisipang hindi kaaya-aya, sabihin mo: Dapat lang na ako ay may masaya, may layunin, at may kasaganaang buhay, kaya dapat kong turuan ang aking isip. Iiwan ko ang negatibong pag-iisip at itutuon ang isip ko sa katotohanan ng aking buhay at ng aking pagkatao.
GABAY 13: HUWAG JUDGMENTAL
Ngayon tigilan na ang pagiging mapanghusga sa kapwa at sa mga bagay. Masdan ang lahat ng tao at pangyayari na walang negatibong panghuhusga.
GABAY 14: HINDI KA LIMITADO
Tigilan na ang pagtingin sa sarili bilang limitado; walang hangganan ang iyong kakayahang maging masaya at maunlad; lagi kang maaaring magbahagi ng mabuting kaisipan, mag-abot ng habag at awa mula sa puso mo.
GABAY 15: KAYA MO MAGDULOT NG KAPAYAPAAN
Ngayong araw na ito, ang aking pakay ay kapayapaan ng isip at puso… kaya kong iabot ang aking kamay sa kapwa… talikdan ang tampo o sama ng loob, ituon ang isip sa pagbabahagi ng habag, gumawa ng bagay na makapagpapalago sa iyo.
GABAY 16: HINDI SA TAKOT, OO SA PAGMAMAHAL
Huwag kang mamuhunan sa takot: tanging ang isip ang gumagawa ng takot at isip din ang makapagpapatigil nito. Sa halip, mamuhunan ka sa pagmamahal.
GABAY 17: ISIPIN LAMANG ANG MAKATUTULONG SA IYO
Walang makasasakit sa iyo kundi ang iniisip mo; at walang makapagpapagaling sa iyo kundi ang isip mo din. Kung may iniisip kang nakasasakit sa buhay mo, tandaan na ito ay mali at hindi ikaw. Nagdadala ito ng sugat sa buhay at hindi paghilom; ikaw ang magpapasyang tigilan ang kaisipang ito.
GABAY 18: MAY DAHILAN KAYA NARITO KA
Bakit tayo nasa mundong ito? Tandaan mo na kaya ka narito ay upang matutunan ang paraan at kakayahang magmahal.
GABAY 19: NGAYON ANG IYONG PAGKAKATAON
Ngayon ang masdan mo lamang ay ang mga pagkakataong lumigaya, gumaling at umunlad. Ang nakalipas ay nakalipas na. Ngayon ang pagkakataon mong lumigaya, gumaling at umunlad.
GABAY 20: ANG KASALUKUYAN AY PARA SA IYO
Ang tanging hawak mo ay ang sandaling ito; at ang sandaling ito ay para ikaw ay maging mabuting tao; tigilan na ang pagtutok sa nakalipas, iwanan na ang negatibong konsyensya sa nagawang pagkakamali; labanan ang takot; punuin ang bawat kasalukuyang sandali ng kabutihan…
GABAY 21: SA HALIP NA MATAKOT, MAGPATAWAD
Ang takot ay parang kulungan; ang pagpapatawad ay tunay na kalayaan. Ito ang susi sa paghilom at pagsulong ng buhay…
ourparishpriest2023